‘Mukha ng mga pulitiko sa bansa palitan na!’

MANILA, Philippines - Panahon na para palitan ang mukha ng mga pulitiko sa bansa.

Ito ang gagawing kampanya ng Ateneo for a Better Philippines dahil sa patuloy na bangayan at katiwalian sa pulitika.

Ayon kay Danny Olivares ng Ateneo Class ’58, dapat ngayon pa lamang ay maghanap na ng mga bagong kandidato para pumalit sa mga tinatawag na traditional politicians na pawang mga miyembro ng dynasty.

“Iyong walang pagbabago, dapat huwag ng iboto sa 2016, ang kampanya nga namin ngayon na inuumpisahan ay to find well meaning people who we can push to run, kasi pag sinabi natin sa taong bayan na magsawa na kayo sa trapos’ so sasabihin ano ang alternative. For me that’s the only way we can, sort of a revolution change the trapos,’ ani Olivares

Sa isang pastoral letter ng Catholic Bishops Conference of the Philippines noong 2013, sinasabing ang patuloy na katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan ng mga opisyal ng gobyerno bunsod na rin ng kakulangan ng kaalaman ng publiko kaya’t marapat lamang na isabatas na ang Freedom of Information bill.

Ayon pa sa liham ng mga Obispo ng Simba­hang Katolika, ang umiiral na political dynasties na siya ring kumokontrol sa ekonomiya at pulitika ang nagiging hadlang para sa pagkakaroon ng mga bagong lider para sa mas mabuting serbisyo publiko.

 

Show comments