Pinas waging ‘Most Tourist-Friendly Country’
MANILA, Philippines - Sa kabila ng nagdaang delubyo sa Pilipinas, itinanghal ng isang magazine sa Malaysia ang bansa na “Asia’s Most Tourist-Friendly Country†sa lahat ng bansa sa Asya.
Sa report ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, iginawad sa Pilipinas ang pagkilala ng Top 10 of Asia magazine bilang Asia’s Most Tourist-Friendly Country sa katatapos na Corporate Ball 2-13 sa Palace of teh Golden Horses sa Kuala Lumpur.
Tinanggap ni Ambassador Ed Malaya, bilang kinatawan ni Phl Tourism Secretary Ramon Jimenez Jr. ang nasabing award mula sa Crown Prince ng Malaysian state of Negeri Sembilan na si Tunku Besar Seri Menanti Tunku Ali Redhauddin ibni Tuanku Muhrizd.
Ibinase ang ranking ng nasabing magazine sa kanilang isinagawang survey at malalimang research.
Nanguna sa nasabing survey ang Pilipinas mula sa 30 bansa sa kanilang listahan.
“When it comes to Philippine tourism, what we are promoting are not merely our attractive tourist destinations, but also the renowned hospitality of our people. This award affirms it and we are grateful to Top 10 of Asia magazine,†ani Malaya.
Ang Top 10 of Asia magazine ay isang sikat na English language magazine na pag-aari at nilalathala ng RGA Media Sdn Bhd at tinatangkilik ng may 100,000 mambabasa sa online at print kada buwan sa Malaysia.
Kabilang pa sa mga bansa na tumanggap ng pagkilala ay ang Korea bilang best in Medical Tourism, Taiwan (Best Food) at Malaysia (Most Popular Tourist Destination.
Nauna namang na-feature sa nasabing maÂgazine ang mga Pinay artists at personalities na sina singer actress Lea Salonga at Regine Velasquez at ballerina Lisa Macuja Elizalde dahil sa kanilang mga natatanging husay sa larangan ng sining at musika.
Napili rin ang Makati Medical Center, Manila Doctors Hospital at St. Luke’s Hospital bilang tatlong ospital sa Pilipinas bilang Top 10 Best Hospitals for Medical Tourism in Asia.
- Latest