Medical, dental mission sa Angeles City

MANILA, Philippines - Ilulunsad ng RCCG City of David Phils. ang medical at dental mission sa Barangay Cuayan, Angeles City, Pampanga  sa Sabado ng umaga (Nob. 2)

Katuwang ng RCCG City of David Phils. ang Christian Love Gifts sa pa­ngunguna ng mag-asawang Bill at Vail Trester at Ron Boyer na mga misyonaryo mula sa California, U.S.A.

Ang medical at dental mission ay suportado ng Angeles City Medical Society,  Angeles City Dental Chapter at ng konseho ng Barangay Cuayan, Angeles City sa Pampanga.

Ito ay gaganapin sa Covered Court ng Cuayan Elementary School na magsisimula sa ganap na alas-8 ng umaga hanggang 12 ng tanghali.

Ito ay bahagi ng Community Care Program ng RCCG City of David Phils. kung saan libre ang medical check-up, dental services at libre rin ang mga gamot.

Show comments