Revamp sa gabinete ng Pangulo itinanggi

MANILA, Philippines - Itinanggi ng Malacañang na magkakaroon ng revamp sa gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III sa susunod na buwan.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office Sec. Herminio Coloma, walang katotohanan na papalitan si Defense Sec. Voltaire Gazmin bilang hepe ng Department of National Defense (DND).

Ayon kay Sec. Coloma, patuloy ang pagtitiwala ni Pa­ngulong Aquino kay Sec. Gazmin kaya walang katotohanan na papalitan na ito ni DOTC Sec. Jun Abaya.

Umugong na sisibakin na si Gazmin sa DND dahil sa naging pahayag nito na China ang nagtayo ng mga blocks sa Panatag Shoal gayung lumitaw na US pala ito.

Mariing itinanggi din ni Coloma ang tsismis na ililipat na sa National Economic Development Authority (NEDA) si Presidential Spokesman Edwin Lacierda matapos magkaroon ng pagbabago sa Communications Group ng Pangulo.

 

Show comments