Airstrike sa Basilan, 7 sundalo sugatan

MANILA, Philippines - Naglunsad ng airstrike operations ang tropa ng militar laban sa Moro lawless group sa Lamitan City, Basilan.

Sinabi ni Col. Carlito Galvez, commander ng Army’s 104th Brigade at Task Force Basilan dakong alas-9:55 ng umaga kahapon ng umatake ang nagsanib puwersang Moro National Liberation Front (MNLF), Abu Sayyaf at Bangsa Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa may pier ng lungsod.

Nakipagsagupa sa mga ito ang nagrespondeng tropa ng militar na ayon kay Galvez ay pitong sundalo ang nasugatan habang hindi naman madetermina ang bilang sa hanay ng mga kalaban.

Bago ang airstrike ope­rations ay ipinatupad ang ‘force evacuation’ sa barangay Bulanting, Colonia, Campo Uno, Cabubo at Balobo.

Nasa 80 pamilya o mahigit 300 katao naman ang inilikas sa naturang mga lugar.

Show comments