FOI bill sertipikahang urgent - FYI

MANILA, Philippines - Isang alyansa ng 80 pambansang samahan ng mga kabataan na tinatawag na FOI Initiative (FYI) ang nananawagan kay Pangulong Aquino na higitan ang simpleng deklarasyon ng suporta sa pagsasabatas ng Freedom of Information bill sa pamamagitan ng pagsertipika rito bilang “urgent.”

Umaapela rin ang FYI sa lahat ng mga senador at kongresista sa darating na 16th Congress na ipra­yoridad sa kanilang adyenda ang FOI at tanggalin ang lahat ng balakid sa pagpapatibay dito.

Naniniwala ang alyansa na ang FOI Law ay isang paraan para mawaksi ang katiwalian at maisulong ang pakikilahok sa pamamahala na tunay na makikinabang ang bawat Pilipino.

Sinabi din ng FYI na tumututol sila sa paglagay ng probisyon ng Right of Reply na labag sa Saligang Batas at kontra sa kalayaan ng pamamahayag sa loob ng FOI Bill dahil pinalalabnaw nito ang diwa ng isang panukalang batas na naglalayong palakasin ang karapatan sa impormasyon ng lahat ng Pilipino.

Show comments