2nd MPDPC medical mission isasagawa ngayon

MANILA, Philippines - Isasagawa ngayon umaga ang 2nd Manila Police District Press Corps (MPDPC) medical and dental mission sa MPD headquarters, UN Avenue, Ermita, Maynila.

Ang mga mahihirap na residente ng apat na barangay na nakapaligid sa MPD headquarters ang prayoridad na bigyan ng atensiyong medical, ga­yundin ang pamilya ng mga pulis Maynila, miyembro ng MPDPC at mga photographer sa Luneta.

May temang “Tulong Muna Bago Balita” ang naturang proyekto na inorganisa ng mga opisyal ng MPDPC sa pangunguna ni President Bening Batuigas sa tulong at patnubay ng pamunuan ng UNTV sa pangunguna ni Kuyang Daniel Razon at Bro. Eli Soriano ng Ang Dating Daan. 

Unang inilunsad ang proyekto noong 2011 kung saan ay mahigit sa 2,000 katao ang nabigyan ng serbisyong medical na inaasahang mas marami ngayon.

Ang proyekto ay bahagi ng Golden Anniversary ng MPDPC sa darating na buwan ng Hunyo.

Ang MPDPC ang pinaka-maraming miyembro sa lahat ng press corps sa buong bansa na bukas sa loob ng 24 oras.

Nakatakda ring magsagawa ng blood letting sa darating na araw ang MPDPC sa tulong na rin ng Philippine National Red Cross upang may ma­gamit ang pamilya ng isang miyembro na mangangailangan ng dugo.

 

Show comments