^

Bansa

SC kinalampag sa ‘di pag-aksyon sa election protest

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinalampag kahapon ng mga residente ng Imus Cavite ang Korte Suprema dahil sa umano’y hindi pa pag-aksyon sa election protest na nauna nang naiproklamang Imus Cavite Mayor Homer Saquilayan laban kay Emmanuel Maliksi.

Sinabayan ng mga demonstrador ang regular flag ceremony ng Korte Suprema upang personal na ipabatid kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kanilang hinaing, bitbit ang mga placards ay sinigaw ng mga supporters ng alkalde na tanggalin na ang ipinalabas na Temporary Restraining Order ng SC at desisyunan na ang election protest dahil na rin sa ilang buwan na lamang ay midterm election na.

Matatandaan na si Saquilayan ang siyang ide­ne­­k­larang nanalo sa 2010 election kung saan 8,499 ang naging lamang nito kay Maliksi subalit naghain ng protesta si Maliksi sa Imus Regional Trial Court na nagbigay daan para mapatalsik sa puwesto si Saquilayan at maupo noong Dec. 2011 si Maliksi.

Inapela ni Saquilayan sa Commission on Elections ang nasabing desisyon ng mababang korte at kina­tigan naman ito.

Sa desisyon ni Comelec First Division Commissioner Rene Sarmiento ay ideneklara nitong null and void ang desisyon ni Imus RTC Judge Cesar Mangrobang kung saan nagkaroon umano ng grave abuse of discretion nang ipawalang saysay nito ang 8,400 na boto na nakuha ni Saquilayan.

Dahil sa desisyon ng Comelec ay nagpasaklolo naman si Maliksi sa SC at nagpalabas ng TRO noong Oktubre 2012 na pumigil para maupo muli si Saquilayan bilang alkalde. Sigaw ng mga supporters ni Saquilayan na ang SC ang takbuhan ng hustisya kaya umaasa sila na mananaig ang katotohanan.

Sinabi naman ni Saquilayan na ang Comelec na ang may mandato na pangasiwaan ang eleksyon ang siyang nagsalita na siya ang nanalo noong 2010 election kaya naman umaapela ito sa SC na ibigay na ang nararapat sa mga residente ng Imus. Kaugnay nito personal din  nagtungo si Saquila­yan sa tanggapan ni SC clerk  of Court Atty Enriquetta Vidal.

 

vuukle comment

CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

COMELEC

COMELEC FIRST DIVISION COMMISSIONER RENE SARMIENTO

COURT ATTY ENRIQUETTA VIDAL

EMMANUEL MALIKSI

IMUS CAVITE

KORTE SUPREMA

MALIKSI

SAQUILAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with