CA ‘di na maglalabas ng TRO vs Garcia

MANILA, Philippines - Hindi na magpapalabas ng temporary restraining order ang Court of Appeals para pigilin pansamantala ang 6-month preventive suspension order laban kay Cebu Governor Gwendolyn Garcia.

Sa halip, sinabi sa resolusyon ng CA 12th division na isinulat ni Associate Justice Vicente Veloso, na ididiretso na lamang nila ang paghatol sa merito ng kaso.

Pinaliwanag ng CA na mismong ang petitioner na si Garcia ang nagsabi na inaabandona na niya ang kanilang kahilingan para sa TRO na tatagal lamang ng 60 araw at sa halip ay tututok na lamang sa kanilang kahilingan na magpalabas ang korte ng preliminary injunction laban sa suspension order.

Pinagbigyan rin ng CA ang mosyon ni Garcia na makapaghain ng reply sa inihaing komento ng Malacañang.

Una ng iginiit ni Garcia sa petisyon na nilabag ng Palasyo ang kanyang right to due process ng patawan siya ng suspension sa isang kaso na nag-ugat noon pang 2010 at iginiit na politically motivated ito.

 

Show comments