5,959 patay, 1,779 pa rin nawawala kay Yolanda

MANILA, Philippines - Halos 6,000 katao na ang nasawi sa hagupit ng bagyong "Yolanda" sa Eastern Visayas, ayon sa state disaster response agency ngayong Miyerkules.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa kanilang pinakabagong situational report na umakyat na sa 5,959 katao na ang kumpirmadong patay.

Nananatiling 1,779 na katao pa rin ang nawawala, habang 27,022 ang nasaktan matapos tumama ang bagyon noong Nobyembre 8.

Sinabi pa ng NDRRMC na 2.5 milyong pamilya o 12.1 milyong katao ang naapektuhan ng pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.

Umabot na naman sa P35.5 bilyon ang halaga ng mga ari-ariang nawasak, P18.2 bilyon ay mula sa impastraktura at P17.3 bilyon sa agrikultura.

Sinasabing si Yolanda ang pinakamatinding bagyong tumama sa Pilipinas.
 

Show comments