PNoy bumisita sa puntod ng mga magulang

MANILA, Philippines – Umiwas sa dagsa ng tao si Pangulong Benigno Aquino III at ang kanyang apat na kapatid nang bisitahin ang puntod ng kanilang magulang sa Parañaque City, dalawang araw bago ang Undas.

Dumating sa Manila Memorial Park ang Pangulo bandang 10:15 ng umaga, kung saan nakalibing ang dating pangulo Corazon Aquino at dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Kasama ni Aquino ang kanyang kapatid na sina Ballsy Cruz, Pinky Abellada, Viel Dee at Kris Aquino, ayon sa ulat ng Presidential Communications Operations Office.

 Samantala, iniutos rin ng Pangulo sa lahat ng ahensya ng gobyerno na siguraduhin ang seguridad ng publiko sa buong bansa para sa pagsapit ng undas.

Naglunsad na ang Department of Transportation and Communication ng Oplan Ligtas Biyahe: Undas upang masiguro ang kaligtasan ng publiko na uuwi sa mga probinsya.

 

Show comments