Asawa ng kandidatong mayor sa Abra inaresto

MANILA, Philippines – Arestado ang asawa ng isang tumatakbo sa pagka-alkalde sa probinsya ng Abra matapos mahulihan ng mga baril at umano'y listahan ng mga nabili nilang botante nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang naaresto na si Isagani Joson, asawa ni Berna Joson na tumatakbo sa pagka-alkalde sa bayan ng Lagayan.

Naharang umano ng mga pulis si Joson at iba pa niyang mga kasamahan sa isang checkpoint sa bayan ng Bangued.

Nasamsam sa kanila ang isang ang assault rifle, dalawang automatic pistol at mga bala. May nasamsam din umano ang mga pulis mula sa grupo na P15,000 at listahan umano ng mga botanteng nabili ng grupo.

Patung-patong na kaso ang isasampa ng pulisya sa grupo ni Joson.

Show comments