Maling pag aresto ng gobyerno, hindi ikinatuwa ng rights group
MANILA, Philippines – Nanawagan sa gobyerno ang rights group na Karapatan ngayong Biyernes na itigil na ang magkakasunod na ilegal na pangaaresto at pagkukulong sa mga sibilyan na inaakusahan ng administrasyong Aquino na miyembro at sumosoporta sa New People’s Army.
Ang Karapatan Secretary General na si Cristina Palabay ang nanawagan dahil 28 katao na ang sunod-sunod na inaaresto at ikinukulong sa loob ng isang buwan ,mua Disyembre 2012 hanggang Enero ngayong taon.
"The government’s desperation to meet the Oplan Bayanihan’s 2013 first phase deadline shows in the manner by which these arrests were conducted and the increasing pattern of filing trumped-up charges against activists and civilians," ani Palabay.
Sinabi ni Palabay na napakadelikado ng ginagawa ng gobyerno na paglalagay ng mga pangalan sa umiiral na warrant of arrest upang maging legal ang maling kaso at mahuli ang mga taong sinasabing kalaban ng estado.
Tinutukoy niya ang security guard na si Rolly Panesa na iginigiit ng military hanggang ngayong bilang si Benjamin Mendoza ng Communist Party of the Philippines na may P5.6 milyon pabuya sa pagkakahuli.
Isa pa sa tinutukoy ng grupo ang pagkakaaresto at pagkakakulong sa mga katutubo ng Negros Occidental kung saan inakusahan sila ng military bilang miyembro ng NPA.
Ang 28 kataong naaresto ay mula sa Cagayan Valley, Negros Oriental at Occidental, Quezon at miyembro ng Courage at Piston, organisasyon ng government employees at drivers, at Act Teachers Partylist, dagdag ng grupo. – Dennis Carcamo
- Latest
- Trending