Dalaga tinamaan ng ligaw na bala sa Abra

 

MANILA, Philippines - Sugatang isinugod sa ospital ang isang 19-anyos na babae sa probinsya ng Abra matapos siyang tamaan ng ligaw na bala sa hita habang natutulog noong Disyembre 29.

Ayon kay Chief Inspector Byron Allatog, tagapagsalita ng Cordillera regional police office, isang .45 pistola ang tumama sa kanang hita ng biktimang si Jasmine Cabintoy ng Sitio Sabangan, Barangay Nagtupacan sa bayan ng Lagangilang.

Si Cabintoy ang pang-anim na biktima ng paputok at ligaw na bala sa buong rehiyon ng Cordillera simula nang magsimula ang pagtatala ng pamahalaan noong Disyembre 21.

Inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng baril na pinanggalingan ng balang tumana kay Cabintoy.

Show comments