Pilipinas red alert pa rin sa NoKor rocket launch

MANILA, Philippines – Nananatiling nasa red alert status ang Pilipinas para sa planong rocket launch ng North Korea ngayong buwan.

Sinabi ni Undersecretary Benito Ramos, pinuno ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na mananatiling nasa red alert ang bansa habang nag-aantay ng balita mula sa Philippine defense attache sa South Korea hinggil sa iskedyul ng pagpapalipad ng rocket..

Aniya, ipagpapatuloy ng NDRRMC ang paglalabas ng mga abiso sa mga residente at mangingisdang nasa exclusion zone kabilang ang bayan ng Sta. Ana sa probinsya ng Cagayan hanggang sa Polillo Island.

Samantala, inihayag ni Ramos na ang planong rocket launch ng North Korea ay hindi magiging delikado para sa bansa at bahagi lamang ito ng isang scientific exploration.

Show comments