^

Para Malibang

Sino ang nananalo sa argumento ng mag-asawa?

Agence France-Presse

Sa pagitan ng mag-asawa, kalimitan sino ang nanalo sa argumento? Ito ay mapanganib sa sitwasyon ‘di ba? Ang nakakatawa, kadalasan kung sino ang tama, kadalasan ay siya ang may maliit na percent ang nagwawagi sa pagtatalo ng couple.

Sa haba nang pagsasama ng mag-asawa, aaminin na kahit ikaw ang nanalo ay talunan pa ring maituturing. Maaaring ikaw ang tama, pero nasaktan naman ang kalooban ng asawa. Ang pakiramdam tuloy ng asawa ay nanliliit sa kanyang sarili, na-bypass ang kanyang authority, o maaaring simpleng hindi siya naintindihan o pinakinggan.

Minsan ang mahalaga sa kanya ay hindi nabibigyan ng importansya o hindi worthy sa paningin ni mister o misis. Ang totoo, parehong talunan sina misis at mister. Minsan kailangang tanungin ang sarili kung tama ba ang ginawa na out of love ba, o for the sake na gusto mo lang, pero nasaktan naman si hubby o wifey.

Maaaring tama ang motibo o nagawa lang dahil napilitan o galit, pero takot lamang na marinig ang iyong plano o opinyon. Kung mabibigyan ng pagkakataon na ilagay ang sarili sa concern ng asawa, tiyak na puwede pa rin mabago ang desisyon ayon sa pagkakasunduan nina misis at mister.

Maaaring tama ka, pero ang tunay na pagpapakumbaba at care kay hubby o wifey ay mas magpapatatag sa pagsasama ng dalawa. Ang conflict ay puwedeng maging pagkakataon na i-honor ang matibay na relasyon ng mag-asawa.

vuukle comment

ASAWA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with