^

Para Malibang

Ang Hagdan Ayon sa Feng Shui

SINUSUWERTE KA! - Fortuna - Pang-masa

Ang ilalim ng hagdan ay dapat na nakasara, kagaya ng mga lumang bahay noong araw na may harang ang bawat steps. Mahuhulog ang good energy na pumapanhik sa hagdanan kaya mahihirapan ang mga nakatira na makaipon ng pera at magpayaman.

Lagyan ng maliwanag na ilaw ang landing (unang step sa pinakaibaba ng hagdanan). Kung may ikakaya kayo, mainam na crystal chandelier ang ilagay na ilaw sa tapat ng hagdanan.

Dapat ay matibay o solid ang bawat steps ng inyong hagdanan. Hindi dapat umiingit o gumagalaw-galaw ang hagdan kapag tinapakan.

 Iwasang lagyan ng pulang carpet ang inyong hagdanan dahil magdadala ito sa inyo ng kamalasan.

Huwag maglalagay ng fountain, aquarium o anumang dekorasyong may tubig sa ilalim ng hagdanan dahil magdadala lamang ito ng kabiguan sa mga anak.

Huwag maglalagay ng hagdanan sa gitna ng kabahayan.

Ang landing ng hagdanan ay hindi dapat nakatapat sa toilet at main door.

Kung posible, ilagay ang hagdanan sa malas na direksiyon ng head of the family dahil nakadudurog ng kamalasan ang hagdanan.

Iwasan ang spiral na hagdanan dahil para itong corkscrew na bumubutas ng good energy. Health ng mga tumitira ang sinisira nito lalo na ang head of the family.

Ang masuwerteng hagdanan ay iyong maluwang at may kaunting kurbada.

 Ang hagdanan na yari sa wood ay bagay na ilagay sa South, East and Southeast. Ang yari naman sa metal ay bagay sa North. Ang semento o konkretong hagdanan ay sa Northeast, Southwest, West and Northwest.

vuukle comment

FENG SHUI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with