^

Para Malibang

Pugita gumanti sa babaeng nagtangkang kainin siya nang buhay!

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Literal na nalukot ang mukha ng isang babaeng blogger matapos siyang dikitan at higupin ng pugitang diumano’y tinangka niyang kainin nang buhay habang hawak-hawak ito.

Desperado diumano ang babae na sumikat para sa blog niyang ‘seaside girl Little Seven’ kaya niya ito naisipang gawin at i-video.

Kitang-kita sa video na kanyang nai-post, makikitang umiiyak na siya at sumisigaw dahil ayaw na siyang pakawalan ng pugita, sinusubukan niya itong hawakan sa mga galamay pero sinisipsip lamang nito lalo ang kanyang balat sa mukha.

Maririnig pa sa 50-second clip ang sinasabi ng babae na “look how hard it’s sucking” habang patuloy niyang sinusubukan itong tanggalin na nasa itaas nang bahagi ng kanyang bibig.

Noong una ay relax lamang siya, pero habang tumatagal ay hinihigpitan na ng pugita ang kapit hanggang sa dumikit na nga ito nang tuluyan sa kanyang mukha, “I can’t remove it,” sabi pa niya.

Nang maramdaman niyang nasugatan na siya at ito ay dumudugo na, doon na siya nag-panic at tuluyang umiyak.

Samantala, ang mga netizen na nakapanood nito, imbes na maawa sa babae, tama lang daw ang nangyari rito. Wala naman daw kasing ginagawa ang kawawang nilalang na iyon sa kanya kaya deserve lamang niya ang nangyari.

vuukle comment

BLOGGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with