^

Para Malibang

Multong Bahay (130)

Gilda Olividado - Pang-masa

SIGAW pa rin nang sigaw sa galit ang pira-pirasong multong buhay. Nakikita niya na habang napakalalim ang pagdadasal ni Agyana at mga ninunong kaluluwa, lalo pa itong tumatanda.

Sa paningin ng multong buhay, mahigit isang daan na ang edad ng kanyang katawan.

Pero may unti-unti naman siyang nararamdaman na pagbabago sa kanyang sarili.

May tumutubong kakaiba sa kanyang puso. Napapalitan ang galit. Nakakadama siya ng pagmamahal.

Naalala niya ang kanyang mga mababait na magulang.

Nagbalik ang memories niya noong kanyang kabataan.

Paano siya pinalaki.

Paano siya inalagaan.

Tuwing nagkakasakit siya, tulong ang kanyang mga magulang na mapagaling siya.

Gumigising sa hatinggabi para siya ay painumin ng gamot. Ang nanay niya, kapag mainit siya, walang sawang nagpupunas sa kanya ng face towel na basa para hindi mauwi sa kombulsiyon.

May lolo at lola siya noon, silang magpipinsan ay mahal na mahal din ng mga ito.

Laging nagdadasal at kapag nandodoon sila sa bahay, isinasali sila. Inilalapit sa Diyos.

Malapit naman siya sa Diyos noong kabataan niya. Palaging nagsisimba kasama ang Itay at Inay niya.

Pati ng mga lolo at lola niya. Mga lola at lolong tiyahin.

Puno siya ng pagmamahal noon, pati nga mga guro niya ay malapit siya. Mga kaklase niya ay lagi siyang masaya kapag kasama niya.

May mga kaibigan siya na hindi niya kinaiinggitan. Mga simple lang sila.

Kailan ba siya natutong mas magpahalaga sa mga material na bagay? Kailan ba niya inuuna ang mga ito?

Nabubuksan na ang puso ng multong buhay. Mula sa mga sulok ng mga ito, umuusbong na ang pagmamahal.

Ang kanyang isipan ay parang bumabalik sa pagkabata. Ang nakikita na lamang ay mga aral ng kabutihan. The innocence in her ay nasa isipan niya uli.

Ang luwag na ng lahat. Ang kanyang pakiramdam. Ang kanyang isipan. Lumayas na ang mga galit.

Itutuloy

vuukle comment

MULTONG BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with