^

Para Malibang

Taboo sa Chinese New Year

KULTURA - Pang-masa

May mga taboos na rules na iniiwasan tuwing Chinese New year. Upang suwertihin sa kanilang buhay.

Gaya ng bawal ang pagsasabi ng mga negatibong salita. Lahat ng mga negative connotation ay forbidden sa mga Tsino. Kasama na ang kamatayan, sakit, kawalan, sakit, multo, kahirapan, break up, at iba pa. Obvious naman ang mga pangit na salita ay nagdadala ng kamalasan sa iyong pamilya at loved ones.

Ipinagbabawal din sa mga Chinese na magbasag ng mga ceramics o glass. Ang pagbasag ng mga pinggan o baso ay may koneksyon sa prosperity at fortune. Kapag ang isang plato ay nahulog, nililinis at binabalot agad nila ito sa pulang papel upang itaboy ang malas. Pagkatapos ng New Year ay saka itatapon sa ilog o dagat upang tuluyan nang anurin ang kamalasan.

Ipinagbabawal din ang paglilinis tuwing Spring Festival ng kanilang bagong taon. Sa paglilinis ng kalat sa aktuwal na okasyon ay pagtataboy ng good luck. Kung kinakailangang maglinis siguraduhin na paloob ng bahay ang walis. Ilagay ito sa isang basurahan at itatapon lamang pagdating ng ika-limang araw pagkatapos ng New Year. Hindi rin nagsa-shower ang mga Tsino sa araw mismo ng Chinese New Year upang hindi mawala ang suwerte.

Tradisyon na sa mga Chinese na magkakasamang nakatira ang mga mag-anak.

Ang bride ay titira sa kanyang mapapa-ngasawa. Sa selebrasyon ng Chinese New Year ay kasama nito ang kanyang mga biyenan. Pero kapag dumalaw si misis sa kanyang magulang sa araw ng Bagong Taon ibig sabihin ay mayroong problema sa kanilang mag-asawa na puwedeng ma­ging dahilan ng malas sa buong angkan.

Ang couple ay puwedeng bumisita sa pangalawang araw kasama ang mga anak na may dalang regalo.

Higit sa lahat ay bawal ang mangutang tuwing new year dahil inaasahang mangungutang ka sa loob ng buong taon.

vuukle comment

CHINESE NEW YEAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with