^

Para Malibang

Lalaki patay matapos daganan ng dyowang obese

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Nahatulan ng guilty ang isang babae sa US, Pennsylvania, matapos diumanong daganan ang boyfriend nito hanggang sa mamatay.

Si Windi Thomas, 44, ang inakusahang pumatay sa nobyo niyang si Keeno Butler sa tahanan nila matapos nilang magkainitan at mag-away.

Pinalo raw ni Windi si Keeno sa ulo gamit ang isang stand ng mesa at saka niya dinaganan ito sa dibdib. 120 pounds lang ang timbang ng nasabing biktima habang 300 pounds naman ang timbang ni Windi.

Ayon sa impormasyon, lasing daw ito noon at naghahanap pa ng cocaine, maya-maya ay nakatanggap daw ang 911 ng tawag at sinasabing may napatay daw ang nasa kabilang linya. Natagpuan nila ang bangkay ni Keeno sa sala habang si Windi naman ay tulala.

Ayon sa isang affidavit na inilabas ng korte, respiratory insufficiency secondary to blunt force trauma to the neck and thoracic compression, exacerbated by blunt force trauma to the head ang ikinamatay ng biktima.

Dahil sa kanyang kusang pagsuko at pag-amin, bumaba ang kanyang sentensya sa 18 hanggang 36 taon imbes na 20 to 40 taon. Kasalukuyan nang nakakulong si Thomas sa Erie County Prison at nakatakdang basahan ng sentensya sa darating na December 21.

Naghihinagpis naman ang pamilya ni Butler sa nangyari.

vuukle comment

OBESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with