^

Para Malibang

Anxiety ng Pamilya

MOVE ON NA TEH! - Miss Violet - Pang-masa

Madaling magalit kapag hindi nababayaran ang maraming bills gaya ng tubig, ilaw, kuryente, tuition fees, at ibang pang monthly dues. Puwedeng pagsimulan ng galit at away kay misis, mister, at pati na rin sa mga anak.

Importante na iwasan na sisihin ang ibang tao. Sa halip na magturo at isisi sa kasama sa bahay ang nakalimutang obligasyon, bakit hindi na lang ito i-let go na hayaan na lang lumipas muna. Sa susunod ay mag-usap at magplano kung paano mababayaran ang lahat ng mga bills na hindi lumalapas sa atensyon ng buong pamilya.

Wala nang ibang paraan upang mapaganda ang mood ay ang pagbabago ng pag-iisip. Idaan sa patawa, komedya, at gawin na lang biro ang mga bagay na huwag nang masyadong seryosuhin pa. Kundi ay yakapin ang iyong pagiging inner child at laruin ang isyu upang gumaan ang pakiramdam kaysa magsisihan.

Minsan kailangan din ng fun at relaxation na hindi kailangang gawing big deal ang lahat ng mga kapalpakan. Upang maiwasan na uminit ang ulo na pagsisimulan pa ng paglayo at pagtatampo ng mga miyembro ng pamilya. Puwede pa namang bayaran sa susunod ang bills kahit pa may penalty. Kaysa na parang gustong ipako na lang sa krus ang simpleng mali na nakaligtaang bills na nagreresulta ng anxiety sa pamilya.

vuukle comment

ANXIETY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with