^

Para Malibang

Pangalawang Anino (485)

PANGALAWANG ANINO - Gilda Olividado - Pang-masa

INIS na naman ang prinsepe ng kadiliman. “I don’t need a slave like her, aking ama!”

“Hindi naman panga­ngailangan mo ang iniintindi ko! Kundi ang puwersa natin na kaila­ngang lumakas! Kaya puwede bang tigilan mo na ang karereklamo? Ayo­kong makita siya nina Nanette at mapababalik sa puwersa ng kanilang Diyos!”

“Oo na, oo na ...”

“Sumusunod ka nga galit ka naman!”

“Kasi masyado nang napapakialaman ang buhay ko!”

“Haharapin kita isang araw, Prinsepe! Naba-bother ako diyan sa nararamdasman mo kay Nanette! Pag-ibig ba ‘yan o ano?”

“Tatawagin ko itong curiousity. May kakaiba sa kanya na gusto kong makilala.”

“Huwag mong sisirain ang pagkatao mo! Oras na hindi mo mapigil iyang nararamdaman mo, ibig sabihin napatiwalag ka na sa ating puwersa!”

“Kalokohan! Hindi ‘yan mangyayari!”

“Nangyayari na nga. At hindi ko alam kung paano aayusin ‘yan! Mas matanda pa tayo sa mundong ito pero ngayon lang nangyayari ito sa anak ko!”

“Hindi ko ito mali! Hindi ako ang may gusto nito!”

“Alam ko pero kaila­ngang labanan mo!”

“I can. Kaya ko itong labanan. Kaya kong gustuhin ang dapat. Kaya huwag mo naman akong masyadong sakalin!”

“Basta sundin mo ako! Itira mo muna ang unang aninong ‘yan sa iyong condo! Turuan mo siyang magsilbi sa iyo, sumunod!”

Hindi na nakapagreklamo ang prinsepe.

Alam niyang ang ama pa rin ang masusunod.

Kaya binuhat niyang parang nagpapasan lang ng kahoy si Angela. Inuwi sa kanyang napakasosyal na condo unit sa BGC.

Wala pa ring malay si Angela pagdating, basta lang ito ibinagsak ng prinsepe, sa sofa na malambot.

At naligo kaagad, parang diring-diri sa unang anino.

Si Angela ay nagigi­sing na.

Ibang-iba ang kanyang nararamdaman. Walang takot at galit. Walang naaalala na magandang buhay sa simbahan.

Masarap na pagma­mahal ni Ariel.

Ang pagiging masunurin sa isang pari pati kay Nanette na isang banal.

Lahat na ito, wala na sa isipan ng unang anino.

Itutuloy

 

vuukle comment

PANGALAWANG ANINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with