^

Para Malibang

100-year-old tortoise, naglayas

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Labis ang pag-aalala ng mag-asawang Mr. And Mrs. Phelps sa nawawala nilang alaga na si Fred.

Si Fred ay isang tortoise at mahigit 100 taong gulang na ang tanda, 30 taon nang nasa panga­ngalaga ng mag-asawa ang nasabing tortoise at marami na rin itong na­ging owner. Halos mga kaibigan din nila ang nagmay-ari sa kanya.

Na-miss nang lahat si Fred nang mawala ito nang halos isang linggo, maging ang mga batang kapitbahay nila na pala­ging kalaro nito ay laging tinatanong kung nakabalik na ba siya dahil pakakainin daw nila ng lettuce.

Nawala si Fred isang umaga ng Tuesday ayon kay Mr. Phelps, “Normally I open the back door in the morning and he’s there - he’d shout out for food if he could - but he wasn’t there on Tuesday the other week and simply didn’t appear.”

Inakala nang lahat na ninakaw si Fred pero ang totoo ay naglayas ito.
Nakuha ang tortoise ng isang motorista sa gitna ng highway, muntik na itong masagasaan kaya kinuha niya na ito at inuwi bago pa man niya makita sa diyaryo ang balitang nawawala nga ang tortoise.

Nakarating si Fred sa layong isang mil­ya mula sa bahay nila sa bilis na 0.006mph.

Nang mabalitaan ng lalaking nagligtas kay Fred ang tungkol sa kanya, agad niyang kinontak ang mag-asawa at isinoli ang tortoise.

“I can’t thank Fred’s saviour enough. I hadn’t had a full night’s sleep since he went missing,” pagpapasalamat ni Mr. Phelps sa nakakuha kay Fred.

vuukle comment

TORTOISE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with