^

Para Malibang

Australianong child sadistic, pornographer, at phedopile

GRABE NA ‘TO - Pang-masa

Noong nakaraang taon lang ng mahuli si Peter Scully, 56, isang child sadistic pornographer at phedopile dahil sa kasong rape, kidnapping, at murder.

Si Scully ay isang Australian national, nakatira sa Melbourne at mayroong dalawang anak.

Nang magpunta siya sa Pilipinas, sa Cebu siya tumira.

Kasama niya sa mga ginawang krimen ang kanyang 23 year old na Pinay na girlfriend na si Liezyl Margallo o may alyas na Shannon Carpio sa social media.

Si Margallo ang inu­utusan niya na kumuha ng mga batang gagamitin nila para sa nasabing porn videos. Edad walo hanggang 18 taong gulang ang kanilang mga nakuha. At ayon pa sa mga nakasaksi, 18 months na sanggol ang pinakabata nilang nadukot.

Pinasikat ni Scully ang Dafu Love at Daisy’s Destruction, kung saan mapapanood ang mga sanggol na kanyang tino-torture at ginagahasa bago patayin. Kumalat pa sa Internet ang mga nasabing videos na ito.

Ayon kay Margallo, pinaghuhukay ni Scully ang mga batang nakukuha nila ng sarili nilang libi­ngan. Pagkatapos silang pahirapan at patayin, doon sila ililibing.

Nang mahuli si Scully sa kanyang tinutuluyan, tumambad ang labi ng 12 taong gulang na babae sa ilalim ng sahig nito.

Pareho nang nakakulong ngayon sina Margallo at Scully sa Cebu pero usap-usapang patuloy pa rin daw ang negosyong ito ni Scully sa pamamagitan ng kanyang mga tauhan. Ibinebenta raw ang bawat videos na ito sa mga pedophile na naka-subscribe sa sinasabi nilang redroom sa halagang $10,000 per videos.

Nagkaroon ng pa­ngam­ba ang ilan matapos masunog ang mga ebidensiyang magpapatibay sa kanyang ginawa, posible raw kasing makalabas pa ito ng kulungan dahil doon, pero kahapon lang nang ilabas na ng husgado ang kanyang hatol, at ito ay panghabang buhay na pagkakakulong.

vuukle comment

PETER SCULLY

PHEDOPILE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with