^

Para Malibang

Atake ng mild stroke

PITO-PITO - Pang-masa

Ang stroke ay isang medical emergency na na­ngangailangan ng agarang treatment. May iba’t ibang klase ng sintomas ng stroke na madaling ma­laman, pero depende sa kung anong part ng brain ang napuruhan.

Minsan ang ibang sintomas na walang manifestation kaya nag-iisip kung dadalhin pa ang pasyente o hindi sa ER. Pero maha­lagang malaman at maunawaan ang pagbabago sa katawan ng taong inaatake ng stroke.

1. Kung sa sobrang pa­god ay umidlip at pagkagising ay namamandhid ang isang parte ng mukha.

2. Maaaring mapansin sa asawa o kay lolo na  isang bahagi ng mukha nito ay lumaylay. Puwedeng kaliwa o kanan.

3. Panghihina ng kamay o braso.

4. Nahihirapan  o hindi maigalaw ang kalahating katawan.

5. Namamanhid ang legs na maaaring kaliwa o kanan.

6. Nabubulol o nahihirapang magsalita.

7. Nagkakaroon ng pagkalito o ‘di pagkaintindi sa isang sitwasyon.

Ang mga sintomas ay maaaring nauugnay sa Transient Ischemic Attack (TIA) o mini stroke, pero gaya ng major stroke na kapag hindi agad nadala sa ER o doktor ng ilang minutong pagkaantala ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa isang pasyente ng permanenteng disabilities.

vuukle comment

STROKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with