^

Para Malibang

Mahal niya ako, pero iba ang mahal ko

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,  

Tatlo na po ang mga anak ko, pero lahat ay puro panganay sa  tatlo ring iba-ibang babae. Suportado ko naman lahat ng anak ko kaya hirap rin ako financially kahit maganda ang trabaho ko. Sa totoo lang wala pa sa plano ko ang mag-asawa noon dahil gusto ko munang magsawa sa pagkabinata. Pero ngayong  41 years old na po ako, at hindi na ko bumabata, gusto ko nang magbagong buhay at mag-settle down. Kaso ang kinakasama ko ngayon ay masyadong bata sa akin dahil 20 years ang tanda ko sa kanya, kung saan may isang taon kaming baby girl. Mahal ko siya pero hindi ko makita sa kanya ang katangiang hinahanap ko sa isang babae dahil siguro bata pa siya kaya hindi pa mature sa buhay. Ang nakakalito pa, muli ko nakita ang una kong GF na siyang kababata ko rin sa aming probinsiya sa Mindoro nang magbakasyon ako dun.  May isa na siyang anak, pero hindi sila nagkatuluyan ng nakabuntis sa kanya. Bumalik na ko sa Manila, pero tuloy pa rin ang communiction namin sa FB. Tanggap niya ang sitwasyon ko sa buhay at nabuhay muli ang pagtingin namin sa isa’t isa.  Gusto kong umuwi sa probinsiya at dun magsimula ng pamilya, pero naaawa naman ako sa kinakasama ko ngayon, pero hindi na ko masaya sa kanya. Pahuyan n’yo po ako  ­­­ Mr. Complicated.

Dear Mr. Complicated,

Wala naman akong makitang complicated dahil hindi ka pa kasal sa kinakasama mo, pero niloloko mo kinakasama mo ngayon at pati na rin ang iyong sarili. Magdesisyon ka at panindigan ito. Magtapat ka sa kinakasama mo at sabihin ang nararamdaman at plano mo sa buhay.  Huwag mo nang patagalin dahil tulad ng sinabi mo hindi ka na bumabata. Sana ay  tuluyan ka ng magbagong buhay at magkaroon ng maayos na pamilya sa gagawin  mong desisyon ngayon.
Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUMALIK

DEAR VANEZZA

HINDI

HUWAG

KASO

MR. COMPLICATED

NBSP

PERO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with