^

Para Malibang

Magpapari ang ‘crush’

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa po akong nurse sa isang private hospital. May naging pasyente po ako na lalaki na kinahulugan ko ng loob. Naoperahan siya sa gall bladder. Guwapo siya at mabait. Naging malapit kami at bago siya lumabas ng ospital, nangako siya na babalikan ako para yayaing kumain sa labas bilang pasasalamat sa mabuting pag-aasikaso ko sa kanya. Yun ang nangyari. Sa pangalawang pagkakataon na nag-date kami, ipinagtapat niya sa akin na may feelings din siya sa akin, pero magpapari na pala siya. Nalungkot ako sa una, pero mas nanaig ang paghanga ko sa kanya. Ipapanalangin daw niya na makatagpo ako ng lalaking tapat na magmamahal sa akin. Natupad ang sinabi niya. May dumating na bagong pag-ibig sa akin na siya ngayong ama ng akong dalawang anak. - Mika

Dear Mika,

Nakatutuwang mabatid na maligaya ka ngayon sa piling ng lalaking pinili marahil ng Diyos para mahalin ka sa tulong na rin ng nagpari mong kaibigan. Tama na hinintay mo ang tamang pag-ibig na kaloob ng Diyos. Sana magpatuloy ang walang kupas na pananalig mo sa kabutihan ng ating Pa­nginoon na siyang tunay na nakakaalam ng ating magiging kapalaran. Sana’y may ma-inspire sa iyong love story.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

DEAR MIKA

DEAR VANEZZA

DIYOS

GUWAPO

IPAPANALANGIN

ISA

MIKA

SANA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with