^

Para Malibang

Pag-aaral bago bf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Rovee, 18 years old. Hindi ko po sineseryoso ang mga manliligaw ko. Minsan lang ako nagkaroon ng bf pero hindi kami nagtagal dahil hindi nga ako seryoso sa relasyon. Ngayon ay mayroon po akong manliligaw. Anim na taon ang agwat namin. Siya ay 24 years old at graduate ng Chemical Engineering. Parang sobra akong tinamaan sa suitor kong ito pero ina-advice ako ng mga magulang ko na tapusin ko muna ang pag-aaral ko. Dapat ko na ba siyang sagutin kung alam ko at nakasisigurong in-love ako sa kanya?

Dear Rovee,

Ang pag-aaral mo ay huwag mong sayangin dahil mas mahalaga iyan. Tama ang iyong mga magulang. Ipaliwanag mo rin iyan sa suitor mo. Puwede mo siguro siyang sagutin pero may reservations, na tapusin mo muna ang iyong pag-aaral at hayaang ma-practice ang pinag-aralan. Sayang kung pagka-graduate ay mag-aasawa agad. Kahit hindi sabihin ng iyong magulang, hangad din nilang maranasan na tumanggap ng “unang sahod” mo. Para sa kanila ay kaligayahan na ito. Bata ka pa at kilalanin mo pa nang husto ang suitor mo. Kung mahal ka niya talaga, handa siyang maghintay. Kaunting panahon lang naman iyan. 

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

BATA

CHEMICAL ENGINEERING

DAPAT

DEAR ROVEE

DEAR VANEZZA

IPALIWANAG

KAHIT

KAUNTING

MINSAN

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with