^

Para Malibang

‘Black Angel’ (28)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HAWAK ni Richard ang nag-iisang buko na hindi naman nila mabuksan ni Wendy. Walang tipak ng bato sa super-liit na isla, wala ring anumang matigas na bagay na puwedeng bumiyak sa buko.

Frustrated ang dalawang sosyal na mortal, pero higit ang pagkadismaya ni Wendy. “Wala kang abilidad ng lalaki, ha, Richard? Simpleng buko, suko ka?”

“Wendy, matigas ang buko, hindi kayang biyakin ng kamay ko.”

“May nakita akong lalaki-- biniyak ang buko sa kanyang ulo!”

“H-ha?”

Tiim-bagang si Wendy, hindi matanggap na sila’y kaawa-awa.

BRAAK.  Biglang ipinukpok ni Richard sa sari­ling ulo ang buko.

Napaigtad si Wendy, may bumigay.

Hindi ang buko. Si Richard, naduling. Saka unti-unting bumagsak.

“Richard! Oh my God!” Nawalan ng malay-tao ang binata, hubad na lumatag sa lupa.

Natauhan itong nakatunghay si Wendy, naluluhang natatawa. “Richard, gago ka, e…sa pelikula ko lang napanood ang lalaking biniyak sa ulo ang buko. Hindi sa totoong buhay.”

“Siyet! Bakit hindi mo sinabi agad?”

Saka sila napatitig sa hubad nilang mga katawan. Nakabilad pa sa arawan ang mga damit nilang basambasa.

Lalong tumitindi ang uhaw at gutom nina Richard at Wendy. Anino man lang ng Black Angel ay hindi nila nakikita.

Magkatabi silang nahiga sa lupa, nakatakip sa mga mata ang bisig.

NAKAUPO sa ibabaw ng makapal na ulap ang Black Angel.

Hindi pa rin siya makababa at makalapit kina Wendy at Richard habang ang dalawa ay wala pang damit. Takot siyang mabintangan ng dalaga na sex pervert, super-hilig sa sex.

Hindi kasi alam ng dalawang mortal na siya ay labis nang nagsisisi sa nagawang krimen noong nabubuhay pa.

Nilabag niya noon nang maraming beses ang mga utos ng Diyos. Nakipagrelasyon siya sa babaing may-asawa. Napatay niya ang mister ng babae nang mahuli sila nito sa akto. Nagpakamatay siya matapos ma-guilty nang husto. Hangad ng Black Angel na mapatawad ng Diyos. (ABANGAN.)

vuukle comment

ANINO

BLACK ANGEL

BUKO

DIYOS

RICHARD

SAKA

SI RICHARD

WENDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with