^

Para Malibang

‘Black Angel’ (1)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

EVENING classes sa isang unibersidad sa lunsod. Na-late na naman ang English professor, wala pa. Masayang nagdadaldalan-nagbibiruan ang graduating students. Puno ng masiglang ingay ang classroom.

Merong mga abala sa cellphone, kabilang si Richard Dineros. Seryoso itong may kausap sa linya.

“Wendy naman, super-mahal sa fine dining na ‘yon. Baka puwedeng sa  affor­dable na lang…”

“No, Richard, sawang-sawa na ako sa fastfoods. Nakabongga ako for our big date, hello?”

Napabuntunghi­ninga ang guwapong binata. “Okay, Wends, as you wish. Magpo-produce ako ng cash. Tuloy bukas ang dinner date natin.”

“Good. And don’t forget ‘yung pro­mise mong gift for me, Richy!”

Nangako nga pala siya ng latest Rolex kay Wendy, naalala niya.

“O-Oo na. ‘Bye na.” Napapailing na nag-off na ng cellphone si Richard. Narindi na naman siya sa pagiging material girl ng nobya.

Nais niyang sisihin ang sarili. Mahal na mahal niya si Wendy kaya sumakay siya sa lahat ng kapritso nito. Pinangatawanan niya ang pagpapanggap na siya ay laging maraming pera.

Hindi niya binibigo si Wendy kapag humihingi ng malaking cash. Pambili ng signature clothes, branded shoes and bags, expensive make-up. Pati nga pampaopera sa tatay nito ay inutang sa kanya ni Wendy.

Kay dami na niyang ipinautang kay Wendy. Utang na walang bayaran.

Mayabang siya kasi, tinututoo ang meaning ng surname na Dineros. Ibig sabihi’y maraming pera. Siya, si Richard Dineros, sa mata ng nobya ay laging mapera.

Nagtayuan na ang mga kaklase.  Palabas na ng pintuan.

“Hoy, Richard, ano hinihintay mo—Pasko? 15 minutes na, hindi na darating si Prof!”

Ngumiti lang si Richard, nagpaiwan sa classroom. Nag-iisang may tinatawagan sa cellphone.

 And it was not Wendy. “Hello, Bossing. Larga ako ngayong gabi.”

Noon may nasulyapan si Richard; napaigtad siya sa pagkabigla.

Nakatitig kay Richard ang bagong dating. Matangkad na lalaking nakaitim, may dalawang pakpak na itim din.

Isang Black Angel.  (ITUTULOY) 

vuukle comment

IBIG

ISANG BLACK ANGEL

LARGA

MAGPO

MASAYANG

RICHARD

RICHARD DINEROS

SIYA

WENDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with