^

Para Malibang

Nanlalamig na si mister

IDAING MO KAY VANEZZA - The Philippine Star

Dear Vanezza,

Ako po’y isang misis at may 2 anak. Nagtataka lang po ako sa inuugali ngayon ng mister ko. Dati’y magiliw siya sa akin. Hinahalikan ako pagdating niya mula sa trabaho. Ngayon ay basta na lang siya papasok sa silid at agad na matutulog. Para bang tinatamad na akong halikan o yakapin. Nang tanungin ko siya sabi niya pagod lang siya sa trabaho. Isa po siyang supervisor. Ano po ba ang pala­tandaan ng lala­king may kinalolokohang iba? Sana ay mapagpayuhan mo ako. - Sely

Dear Sely,

Baka naman napapabayaan mo na ang iyong sarili? Maraming babae na dahil sa pagiging abala sa mga gawaing bahay ay nalilimutan na ring mag-ayos ng sarili para sa kanilang asawa. Okay lang gampanan ang mga gawaing bahay pero huwag ring pabayaan ang sarili. Bago siya dumating, maligo ka at mag-ayos sa sarili at ikaw ang unang yumakap at humalik sa kanya pagdating mula sa trabaho. Kung may kaunting budget, bakit hindi bumisita sa parlor, magpagupit at magpa-spa.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANO

DATI

DEAR SELY

DEAR VANEZZA

HINAHALIKAN

ISA

MARAMING

NAGTATAKA

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with