CJ Ramos, malinis na sa droga

Nakumpleto na ng dating child star na si CJ Ramos ang counseling at aftercare matapos mahulihan ng ilegal na droga.
Noong 2018 ay nahuli si CJ sa isang buy-bust operation sa Quezon City kung saan nakuha sa kanya ang ilegal na droga.
Ibinahagi ni CJ sa isang Facebook reel noong Sept. 22, na natapos na niya ang isa at kalahating taong counseling at aftercare sa Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council o QCADAAC.
Ayon sa dating aktor, unti-unti nang umaayos ang kanyang buhay at umaasa siyang magtutuluy-tuloy na ang magandang takbo nito.
“Sobrang sarap po sa pakiramdam dahil natapos ko na. Ito na po ang nagiging solusyon para po matapos na rin ang aking kaso at malinis na po ang record ko para ‘pag nag-a-apply po ako ng trabaho o kaya mag-a-abroad po ako, eh, clean na po ang record ng pangalan ko,” sey niya sa posted video sa Facebook.
Pinakita pa ng 39-year-old former child actor ang resibo o certificate na natapos na niya ang rehab and counselling program na kailangan niya sabay nagpayo sa illegal drug users na tumigil na at magbagong-buhay.
“Talagang nakakasira ito ng buhay ng tao, sa kalusugan at hindi lang ‘yun, pati ‘yung ating relasyon sa mga tao, sa kaibigan at sa pamilya. Talagang makakasira ang pinagbabawal na gamot.
“Ang paggamit sa pinagbabawal na gamot, kahit kailanman, hindi po naging solusyon sa ating buhay, sa ating problema.
“Ang solusyon po, si Lord. Tayo, ang mga mahal natin sa buhay. Siyempre uumpisahan po natin ‘yan sa ating sarili. Tama na.
“Magdesisyon ka ngayon, ngayon din, na tama na. Kaya mo ‘yan, kaya natin ‘yan. Meron pa tayong mas magandang purpose para sa ating buhay.”
Sumikat na child actor si CJ noong 1992 dahil sa TV show na Ang TV. Ilan sa mga nagawa niyang pelikula ay Tumbasan Mo Ng Buhay, Araw-Araw Gabi-Gabi, Ang TV: The Movie, Rollerboys, Costales at Tanging Yaman.
Sa TV ay huli siyang napanood sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Carol banawa, kinilala sa pagiging Migrant
Ang dating Kapamilya singer-actress na si Carol Banawa ay ginawaran ng Most Outstanding Migrant Award sa Amerika. “I am deeply humbled and incredibly honored to receive the Most Outstanding Migrant Award. To be recognized among so many inspiring individuals is a blessing I will forever cherish,” caption niya sa Instagram.
Taong 2003 nang iwan ni Carol ang showbiz para mag-migrate sa Amerika at maalagaan ang tatay niyang na-expose sa carbon monoxide. Pinagpatuloy na niya roon ang pag-aaral niya hanggang maging isang Nurse Practitioner.
“When I left the Philippines, I also left behind a career that I loved. Starting over in a new country was not easy. There were moments of uncertainty, sacrifice, and countless long days, but I believed that every new beginning could lead to a greater purpose.
“I started my journey in healthcare from the ground up — from Certified Nursing Assistant, to Licensed Practical Nurse, to Registered Nurse, and now, Family Nurse Practitioner. Looking back, every challenge, every sacrifice, every late night, and every moment I wanted to give up brought me one step closer to this moment.”
Kahit sa Amerika na naka-base si Carol, ipinagmamalaki niya ang kanyang pagiging Pinoy.
“We Filipinos carry with us the values we learned from home — humility, perseverance, faith, compassion, resilience, and hard work. Wherever life takes us, we bring those values with us and continue to serve, love, and make a difference.”
Naging member si Carol ng Batch 4 ng Star Circle noong 1994. Mas nakilala siya bilang singer at naging hit singles niya ay Bakit Di Totohanin, Iingatan Ka, Muntik Na Kitang Minahal at Tanging Yaman.
Nagbida rin siya sa 2002 teleserye na Bituin kunsaan nakasama niya ang pumanaw na National Artist at Superstar Nora Aunor.
Oscar winner, ayaw talagang mag-social media
May rason ang Oscar winner na si Mikey Madison kung bakit wala siyang official social media account sa Facebook, Instagram at X (formerly Twitter).
“It feels kind of big and vast and stressful staying offline,” sey ng 27-year-old actress sa kanyang interview with Vogue.
Hindi rin daw gusto ni Mikey na binabasa ang comments section. Very sensitive raw siya sa mga sasabihin ng ibang tao sa kanya.
“I don’t think I ever did until Anora. But that was only after someone told me it was safe and I wouldn’t get my feelings hurt.”
Katatapos lang gawin ni Mikey ang pelikulang The Social Reckoning, sequel ng 2010 film na The Social Network kung saan gaganap siya bilang dating empleyado ng Facebook na si Frances Haugen.
Kasama niya rito sina Jeremy Strong as Mark Zuckerberg at Jeremy Allen White as Wall Street Journal reporter Jeff Horwitz.
- Latest























