AZ, ‘tinaguan’ ni Larkin!
Hindi pa raw nagkikita o nagkakausap ang ex-lovers na sina AZ Martinez at Larkin Castor.
Inamin ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab housemate na simula noong matapos ang show, never pa sila nagkukrus ng landas ng Sparkle actor.
“When I got out of the house, I haven’t been in contact with him. Hindi na po kami nag-usap. But I wish him all the best talaga,” diin ni AZ.
Inamin din ni AZ na hindi pa siya handa sa ngayon na harapin si Larkin. “As of now, I’m not yet ready to talk muna. I’m not yet ready to talk to him but like I wanna focus more on myself and career,” ipinaliwanag pa niya.
Bago pumasok sa PBB house si AZ, nakipag-break sa kanya si Larkin dahil ayaw niyang sumali ito sa show.
Nagpadala pa ng sulat si Larkin para ayusin ang kanilang relasyon na dumaan sa ilang pagsubok habang si AZ ay nasa loob ng Bahay ni Kuya.
Nali-link ngayon si AZ kay Ralph de Leon na nakagaanan niya ng loob sa PBB house.
Lani, gustong sampalin si AiAi
Ang pag-arte raw sa TV at pelikula ang tanging hindi nagawa ni Asia’s Nightingale Lani Misalucha.
Natatawang pag-amin niya: “Simple lang ang sagot, walang gustong kumuha sa akin.”
Nung peak daw ng kanyang career bilang singer at concert performer, may asawa’t dalawang anak na siya. Kaya raw siguro walang nagtangkang mag-offer sa kanya ng acting roles sa TV at pelikula. Hindi rin daw kasi siya nagpakita ng interes sa pag-arte noon.
“Kasi, noong time na ‘yun, 2000, 2001, nagkaroon ako ng very first major concert sa Araneta, ‘yun talaga ‘yung peak. Hindi pa ako ganun kakilala, pero napuno ‘yung Araneta Coliseum. So, noong time na ‘yun, maliliit pa ‘yung mga anak ko – ‘yung isa 10, ‘yung isa seven. Naisip ko, ito pa lang, sa singing pa lang… may SOP pa ako noon. Doon pa lang alone, busy na ako.
“Ang lilit pa lang ng mga anak ko noon kaya inisip ko na ayaw kong mag-artista, e, ‘di walang lumapit sa akin! Totoo, kaya kung ano ‘yung iniisip mo, ‘yun ang mangyayari. Iniisip ko ang ganda-ganda ko na lang!” tawa pa niya.
Pero kung may mag-offer noon sa kanya na umarte, gusto raw niyang maging kontrabida. “Iniisip ko ‘yung maldita na makapal ang makeup at mataas ‘yung buhok. Tapos, parang ang dami laging alahas na parang mahadera!”
Ang kapwa judge niya sa The Clash na si AiAi delas Alas daw ang type niya pagmalditahan at sampalin.
Hulk Hogan, namatay!
Pumanaw na ang batikang professional wrestler na si Hulk Hogan sa edad na 71, ayon sa report ng TMZ.
Sumikat si Hogan sa professional wrestling noong dekada ‘80s at pinasok din niya ang mundo ng pag-arte.
Bukod sa kanyang taas na 6’7”, naging marka niya ang pagsusuot ng bandana, pagpunit sa kanyang damit, at ang kanyang blonde na handlebar moustache.
Sinabi ng manager na si Chris Volo na pumanaw si Hogan sa bahay nito sa Florida pero hindi pa tinukoy kung ano ang dahilan.
Born Terry Gene Bollea in Augusta, Georgia on Aug. 11, 1953, lumabas siya sa mga pelikulang Rocky 3, Suburban Commando, Mr. Nanny, Thunder in Paradise, Spy Hard, Muppets From Space and Little Hercules.
- Latest



















