AzVer, may ‘What Ifs’

Sumalang muli sa isang Big Jump Challenge ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition duo na sina AZ Martinez at River Joseph.
Pero hindi na ito sa loob ng Bahay ni Kuya, kundi sa studio ng GMA morning show na Unang Hirit.
Bitbit ang mga kahong may nakasulat na AzVer, hinarap ng dalawa ang ilang maintrigang tanong tungkol sa kanilang PBB journey. Kabilang na rito ang kanilang “biggest what ifs.”
Una munang sumagot si AZ, “I would say siguro ‘What if wala ‘yung core group ko.’ I don’t think I’ll make it.”
Mas naantig ang puso ng fans sa studio nang binanggit ni AZ ang lahat ng mga sumusuporta sa kanya sa PBB. Mula sa housemates hanggang sa kanilang duo na AzVer. “What if wala sila and I know na I wouldn’t be here without them. Sila ‘yung strength ko, isa sa reason kung bakit din ako lumalaban, and they’re my family talaga,” dagdag ni AZ.
Para naman kay River, ang kanyang biggest “what if” ay ma-evict sa kanyang unang nominasyon sa PBB.
“How different would my life have been? Ang dami kong mami-miss out, ma-regret.
“So, I’m so happy na I was able to go through all the nominations when I was nominated and reached the end talaga. No regrets and ang dami talaga naming natutunan sa loob ng Bahay ni Kuya,” sey ni River.
Sina AZ at River ang ikatlong duo na pumasok sa Big Four at itinanghal na 4th Big Placer sa katatapos lamang na Big Night noong July 5.
Kara, may bagong title
Mula sa pagiging award-winning sa broadcast journalist, nakilala na rin si Kara David sa social media bilang “Queen of Potential Sound.”
Nag-react siya sa kanyang bagong titulo.
Ikinuwento ni Kara na gusto niya lang magpawala ng stress noong pandemic kaya siya gumamit ng TikTok. “Hindi ko in-expect ‘yun ‘yung ‘Queen of Potential Sound.’
“Parang wala lang, kasi loka-loka akong tao tapos, kung anu-ano lang ‘yung ginagawa ko. Gusto ko lang ng isang avenue kung saan hindi naman ako serious. Kasi, parang lagi na lang nakikita sa world na seryoso ako, ganyan, e, sa totoong buhay, loka-loka akong tao,” paliwanag ng award-winning journalist.
Inamin nito na naging “joy” niya ang TikTok dahil pwede siyang maging totoong sarili niya sa social media platform. Nagulat na lang daw ito dahil na-appreciate na ito ng mga tao.
Ang mga linya ni Kara ay naging patok mula sa iba’t iba niyang programa na naging viral at ginagamit bilang sound sa TikTok.
Samantala, ipinagdiwang naman ni Kara ang kaniyang tatlumpung taon sa industriya noong Martes, July 8, at nag-renew rin ito ng kaniyang contract sa GMA Network.
Kamakailan lang ay nanalo ang I-Witness host ng Star Icon of Investigative Journalism and Media Excellence Award sa Global Filipino Awards.
- Latest






















