^

Pang Movies

Darren, nadulas sa naging relasyon nila ni Cassy!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Darren, nadulas sa naging relasyon nila ni Cassy!
Darren Espanto at Cassy Legaspi

Muling napag-usapan ang tungkol sa mga dating karelasyon ng It’s Showtime host na si Darren Espanto.

Sa isang segment ng programa ay umamin siyang walang label ang mga dati niyang nakarelasyon.

Nagsasabihan daw sila ng ‘I love you’ pero walang label at exclusive. Hindi raw kasi niya ugaling magtanong sa mga ito.

Sa chikahan nila kinuwento niyang singsing ang bagay na pinakamahal niyang naibigay sa ex. Itinatago pa raw niya sa mga magulang ang regalo para sa mga ex dahil under pa raw ang finances niya sa mga ito kaya nangungutang pa siya sa mga kaibigan.

Nang tanungin naman siya ni Vice Ganda tungkol sa pinakamahal na natanggap niyang regalo galing sa ex ay sinabi niyang dalawa na ang nagbigay sa kanya ng shoes at ang huli naman ay concert tickets na platinum kay Bruno Mars.

At nang alalahanin ni Vice na last year lamang ito kung saan nagpunta rin siya ng Bulacan at tinanong ito na may jowa pala ito last year ay doon na biglang bawi si Darren. Parang ayaw na raw niya itong pag-usapan.

Nang tanungin siya kung ok pa ba sila ng tinutukoy niya ay nilinaw niya ok sila pero break na sila at nananatiling magkaibigan.

Kaya naman napakalkal ang netizens kung sino ang kasama niya ng mga panahong iyon at nakalkal nila na si Cassy Legaspi ang kasama niyang dumalo roon.

Makikita rin sa social media ang post ng anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi na kumpirmadong sila nga ang magkasama roon.

At sa pagkalkal pa ng mga ito ay napansin nilang may sapatos na magkapareho ang dalawa na tingin nila ay ang sinasabing bigay nito kay Darren na isa sa kumpirmasyon na nagkaroon nga ng relasyon ang dalawa.

Bukod kay Cassy ay maaalalang inamin ni Darren na nagkaroon din sila ng relasyon ni Kyline Alcantara.

vuukle comment

DARREN ESPANTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with