^

Pang Movies

Rere Madrid, jowa na si Kai Sotto!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Rere Madrid, jowa na si Kai Sotto!
Kai at Rere

Gaya kay Kyline Alcantara, may mga naiinggit din kay Rere Madrid dahil sa boyfriend niyang basketball player na si Kai Sotto. Hindi raw bagay ang dalawa at may tumawag pang jeje si Rere.

Wala na raw pag-asa sa NBA si Kai dahil na-hook na kay Rere at baka ang sumunod nito, mag-showbiz na rin ito at pumirma sa Sparkle. May pumansin naman sa nose ni Rere at kung may plano siyang sumali sa beauty pageant, ipaayos na niya ang ilong ngayon pa lang.

Ang nakita lang maganda ng netizens, pareho ng religion sina Rere at Kai, kaya kung end game man sila, walang magiging problema. Unlike Ruru Madrid and Bianca Umali na kinailangang magpa-convert sa INC si Bianca.

Pagkumpirma na siguro sa relasyon nila ang pahayag ni Rere nang tanungin sa kanila ni Kai ng “I’m happy at sana suportahan ako sa nagpapasaya sa akin.”

Binanggit na nga ni Rere na sasali siya sa beauty pageant at sa Miss Universe Philippines yata. Nagsisimula na raw siya sa iba’t ibang training gaya ng communication skills at pasarela o ‘yung walk na pang-beauty queen habang rumarampa sa stage.

Nakakatuwa pala ang netizens dahil pati exes nina Rere at Kai ay kilala. Varsity player daw sa UAAP ang ex ni Rere at volleyball player naman ang ex ni Kai. Ano pa kaya ang mga susunod na mabubungkal ng netizens kina Rere at Kai in the coming days.

Jasmine, kinabog ng nanay!

Kinaaliwan ang TikTok video nina Jasmine Curtis Smith at Liezel Lopez kasama ang mom ni Jasmine na si Mommy Carmen dahil mas magaling pa raw magsayaw si madir. Talo raw nito sa pagkembot ang bida at kontrabida sa nakaka-high blood na series ng GMA 7 na Asawa Ng Asawa Ko.

Pati nga ang pagiging fit ni Mommy Carmen ay pinansin din dahil kayang-kaya pa ngang kumembot sa pagsasayaw sa saliw ng kantang Selos. Ayon sa netizens, may pinagmanahan sina Jasmine at Anne Curtis, lalo na si Anne na sumasayaw. Sa rami ng naaliw sa TikTok video, may half a million views na ito kahapon.

Bumisita si Mommy Carmen sa taping ng Asawa Ng Asawa Ko, kaya nakapag-TikTok kasama sila at nakapagpa-picture pa kay Joem Bascon. Sumama rin siya kay Jasmine sa mall show ng cast ng series and for sure, nag-enjoy siya nang husto.

AFAM BF ni Kylie, mala-Chris Hemsworth!

Ini-stalk siguro ng netizens ang afam na boyfriend ni Kylie Verzosa, kaya nalaman na ang pangalan at kung ano ang nationality. Ayon sa netizens, Emil Eriksen ang name ng guy at Danish national based in Dubai. Mala-Chris Hemsworth daw ang face card ng guy at talagang guwapo.

Kahit nakatagilid at nakatalikod ang guy, nasilip pa rin na guwapo ito at EE ang tawag ng netizens. Marami na pala ang nakakita sa guy, nakita sila ni Kylie sa BGC at may PDA pa raw.

Siya rin ang guy na nasa Instagram Stories ni Kylie na kasama niya sa bed, hindi lang masyadong nakita ang face nito.

May mga pabirong comment na upgrade raw ang afam boyfried niya sa ex niyang si Jake Cuenca na marami ang kumontra. Hindi raw ibig sabihin na upgrade ang BF niya ngayon at downgrade si Jake, unfair daw ito sa aktor na matagal ding nakarelasyon nito.

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with