Tonton normal ang buhay, hindi nakikiuso sa social media

Tonton Gutierrez
STAR/File

Normal na normal pa rin ang buhay ng actor na si Tonton Gutierrez.

Kung ang iba nga ay ngarag ang buhay dahil sa mga basher, walang ganyang problema si Tonton.

Dahil hanggang ngayon, wala pa rin siyang social media account.

Nakikitingin lang siya sa misis na si Glydel Mercado kung minsan.

Ba’t wala ka pa ring social media page?

“Personal choice. I’d like to keep kahit na papaano ‘yung privacy na meron pa kahit na konti,” mabilis na sagot ng actor nang maka-chika namin last Saturday sa birthday blowout ng friend naming si Leo Espinosa.

Pero nagbabasa ka?

“Yeah, oo. Well, syempre, YouTube meron namang ganun ‘di ba. It’s just that mga Facebook talagang hindi ko gusto.”

So normal ang buhay mo? “Normal ang buhay ko.”

Sana all.

Imagine kaya niyang hindi mag-social media, kaya naman kumbaga may mystery pa rin ang buhay niya.

At hindi rin naman siya nawawalan ng trabaho.

Sa kasalukuyan ay busy siya sa taping ng Widows’ War starring Bea Alonzo, Carla Abellana, and Jean Garcia.

Murder mystery teleserye ang Widows’ War na tuluy-tuloy ang shooting sa Batangas.

Actually, dahil sa social media, marami talagang stressed na celebrity.

Tho marami rin naming kumikita rito.

Sinasabi nga ng ibang mga showbiz authority na ang social media ang dahilan kung ba’t nawalan ng misteryo ang mga artista.

Lahat nang ginagawa nila naka-upload na at pinapakita nila sa publiko.

Hindi katulad noon, bago ka magpakita na naka-two piece kailangan mo munang mag-demand ng talent fee.

Actually, talagang parang buong kaluluwa pinakikita ng iba kaya nawalan ng interes na panoorin pa sila sa pelikula o sa teleserye dahil andun na sila sa social media platforms na libre lang.

Pero may mga yumaman naman talaga rito.

Anyway, at least si Tonton mas priority ang normality ang buhay.

At ang isang sigurado hindi siya mukhang datung.

Bagama’t ang isa pang sigurado, nasa social media ang ilang mga ultra rich para naman makaawra.

Iba naman ito sa kaso ng mga artista.

Show comments