Janno at Bing, may trauma pa kay Ronaldo

Janno Gibbs at Bing Loyzaga
STAR/ File

Inamin ng anak ng pumanaw na si Ro­naldo Valdez na si Janno Gibbs sa prog­ramang Fast Talk with Boy Abunda na naging matatag ang pagsasama nila ng misis na si Bing Loyzaga dahil sa nangyari sa ama.

Common knowledge na nagkaroon sila ng mga ‘di pagkakaunawaan sa relasyon pero ngayon ay nasa maayos na sila dahil sa nangyari na pareho nilang nasaksihan.

“Alam naman ng lahat na we have gone through rough patches… We’re married, so we just had bad days, bad moments,” pag-amin ni Janno. “We’re in a good place now, especially because of what happened with my dad. It was me and Bing who were there. Kami lang ang nakakita sa kanya in his state.”

Na-trauma raw si Bing. Ang mga anak naman nila ay nasa abroad at may sarili nang buhay kaya sila na lamang dalawa ang security blanket ng isa’t isa.

Hindi niya ito maiwan at ganoon din ito sa kanya kaya kung may maganda man daw na nangyari sa kabila ng nakakalungkot na sinapit sa amang si Ronaldo.

Inamin nilang takot pa sila sa nangyari.

Maaalalang pumanaw si Ronaldo noong Disyembre nakaraang taon sa edad na 76.

Show comments