^

Pang Movies

Annabelle at nanay ni Sarah, pabonggahan ng message sa apo

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Annabelle at nanay ni Sarah, pabonggahan ng message sa apo
Zion Gutierrez at Annabelle Rama.
STAR/ File

Masaya ang birthday celebration ni Zion Gutierrez na bigay ni Sarah Lahbati at maternal grandparents nila.

Sa bahay yata nila Sarah ginawa ang party. Mahaba ang birthday greetings ni Sarah sa anak, kaya ang birthday greetings na lang ng mga lola at lolo ni Zion ang aming kinowt.

Sabi ni Annabelle Rama, “Today is the birthday of one of my favorite Apo, My cute zion lola loves you very very much alam mo yan zion. Everytime you and kai are in whiteplains nakikita ko happy happy kayong dalawa ni kai, lahat ng gusto niyo binibigay ni lola i love you.”

Heto naman ang birthday greetings ni Esther Lahbati, mom ni Sarah sa kanyang apo.

“Happy birthday my dear Zion. Be good boy and stay as sweet as you are. you’re a big boy now parang kelan lang nang ipaglihi ka ni mama mo ng lumpia. tayo from Phils to Switzerland lagi tayong magkakasama hanggang ilabas ka ni mama mo andyan pa rin ako sa tabi nyo ni mama mo, until now andito pa rin ako sa tabi nyo. Thanks be to GOD na malakas pa rin ako nakikita ko ang paglaki nyo ni Kai. We’re so blessed na mahal tayo ni LORD. We love you so much.”

May birthday greetings din ang dad ni Sarah na si Abdel Lahbati sa apo at kakaiba ang photos nila ni Zion na kanyang pinost.

“Happy happy birthday to my handsome Grandson, my new scuba buddy, we love you.”

Abangan natin pare-pareho ang birthday party na ibibigay naman ni Richard Gutierrez kay Zion na tiyak, bongga rin.

Fans ni Marian, susubukan ang lakas sa Cinemalaya

Tila si­nimulan na ang pamba-bash kay Marian Rivera at ang Cinemalaya film niyang Balota. Sabi ng bashers ng aktres, ngayon malalaman kung kikita ang movie ng mil­yones o kung mahihigitan nito ang almost P1B gross ng Rewind movie nila ni Dingdong Dantes.

Sabi pa ng bashers, sa Star Cinema lang makakatikim ng box-office hit movie sina Dingdong at Marian at hindi ito maibibigay ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group na producers ng Balota.

Kahit ipinaliwanag na ng fans ni Marian na mahirap maabot ang almost P1B gross ng Cinemalaya entry niya dahil indie film ito, limited ang cinemas na paglalabasan at 10 days lang tatakbo, ayaw pa ring paawat ang bashers. Basta, ngayon daw makikita ang lakas ng fans niya at supporters ng GMA.

Mabuti na lang, deadma siya sa bashers at pinost pa nga ang storycon ng Balota at sabi, “Capturing the magic of Balota storycon with these exclusives photos. Can’t wait to share the full story with you all! Malapit na.”

Nabanggit din nito na nang mabasa niya ang script, pinakiusapan niya ang manager na si Mike Tuviera na gawan ng paraan ang schedule niya para magawa ang pelikula. “Gusto ko siyang gawin, maganda ang script,” ayon kay Marian.

Habang hinihintay pa ng fans niya ang first Cinemalaya film niya, mapapanood muna siya sa My Guardian Alien. Natutuwa ang viewers sa kanila ni Gabby Concepcion, may chemistry raw ang dalawa kahit magtinginan lang.

Dating Bida Man, Kapuso na

Kapuso na pala ang dating Kapamilya na si Jin Macapagal na nadiskubre sa It’s Showtime sa Bida Man segment. Kabilang na siya sa Sparkle GMA Artist Center at co-managed ng Aguila Entertainment.

Guwapo at mahusay sumayaw itong si Jin at matangkad pa, bagay siyang ma­ging leading man sa GMA 7 series.

Hindi pa siya masyadong nagagamit at nag-guest pa lang yata sa sitcom nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Dahil mahusay magsayaw, sabi ng fans, bagay siya sa All-Out Sundays.

vuukle comment

ANNABELLE

ZION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with