^

Pang Movies

Seth, nangatuwiran sa like sa ‘bold star’!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Seth, nangatuwiran sa like sa �bold star�!
Andrea Brillantes

Natatawa na lang kami doon sa nagagalit kay Seth Fedelin na nag-like sa isang comment sa kanyang post na nagsasabing si Andrea Brillantes daw ay hindi bagay na isinasama sa young stars dahil siya ay isang bold star na marami nang iskandalong kinasangkutan.

Nagagalit sila kay Seth dahil bakit naman daw nag-like pa sa sinabing masama tungkol sa kanyang ex?

Nangatuwiran naman ang supporters ni Seth na na-hack nga raw ang social media account niyang iyon at hindi na mabuksan mismo ni Seth. Ibig sabihin hindi naman siya ang nag-like doon at hindi na niya maaalis iyon dahil hindi nga niya ma-access iyong account.

Daniel, nagbanta sa mga manliligaw ni Kathryn?!

May bilin si Daniel Padilla sa mga nanliligaw ngayon kay Kathryn Bernardo. Sinabi niyang wala raw siyang karapatang makialam dahil wala na naman sila, pero huwag na huwag lang nilang sasaktan si Kath.

Parang sinasabi niya sa nanliligaw ngayon kay Kathryn na huwag gagayahin ang ginawa niya, dahil sinaktan niya nang husto si Kathryn kaya nakipag-break sa kanya.

Walang duda na sinasabi iyon ni Daniel para masabing nag-split man sila ni Kathryn ay naroroon pa rin ang damdamin niya at malasakit sa dati niyang syota pero huli na ang lahat eh.

Bakit ngayon lang niya sinasabi ang kanyang concern at pagmamalasakit matapos niyang gawin din iyong sinasabi niya ngayong hindi nararapat?

Derrick, magpapakasal na?!

Sinabi raw ni Derrick Monasterio na gusto na niyang magkaroon ng sariling pamilya. Ibig sabihin gusto na niyang mag-asawa.

Pero kung gagawin niya iyon malaking bahagi ng kanyang fan base ang mawawala, dahil aminin natin karamihan sa fans niya ay may crush sa kanya at kung mag-aasawa na siya masisira na ang ilusyon ng fans.

Sayang siya dahil kung iisipin mo ngayon pa lang nagsisimulang umangat ang kanyang career. Ilang taon din siyang naghintay sa isang magandang break, at ngayon nga ginawa siyang bida sa isang serye at kung tutuusin suwerte siya dahil isa siya sa stars ng Kapuso na hindi naapektuhan ng pagtatambakan doon ng mga nawalan ng trabaho sa Madre Ignacia.

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with