^

Pang Movies

Bea, ayaw mabuntis na ‘di pa kasal!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Bea, ayaw mabuntis na �di pa kasal!
Bea Alonzo at Dominic Roque

Tuluyan na raw binura ni Bea Alonzo ang lahat ng mga picture niya na kasama ang dating boyfriend na si Dominic Roque sa kanyang social media account. Mukhang ang ibig sabihin noon ay wala na talagang chance na sila ay magkabalikan pa. Pero mukhang umaasa pa rin si Dominic dahil nanatili raw na si Bea ang wallpaper ng kanyang cell phone.

Mukhang mala-Kathniel din ang kanilang kapala­ran. Bagama’t wala namang babaing nagpunta kay Bea para sabihing nakipag-one night stand siya kay Dominic. Mukhang iba ang basis ng kanilang split.

Pero dapat na mag-isip na rin si Bea. Hindi na siya bata, kung mananatili siyang mailap sa pag-ibig baka maiwan na siya ng biyaheng Bicol. Mas mahirap nang humanap basta maedad na ang babae, dahil bihira sa mga lalaki ang mahilig sa cougar.

Hahaha.

Pero sa totoo lang kung gusto pa niyang magkaanak, dapat magmadali na siyang pakasal.

Sinabi ni Bea sa isang interview na conservative pa rin siya, gusto niyang magkaanak na kasal at ayaw niyang maging ina out of wedlock.

Ice, bumalik sa pagiging babae

Hindi namin akalain na makikita naming babaing-babae pa si Ice Seguerra. Isipin ninyong nagpakasal na siya sa isang babae, umaakto na siyang lalaki talaga. Tapos makikita mo siyang naka-bestida ng pink at naka-high heels pa. Natawa na lang kami nang sabihan niya si Vic Sotto, “pakialalayan mo naman ako masakit na ang paa ko.” Isipin mo ba namang magsuot siya ng sapatos na ganoon kataas ang takong, eh sanay siya sa rubber shoes.

Pero ibig sabihin lang niyan lahat ay magagawa niya dahil sa kanyang career. Ano nga ba ang malay ninyo, baka bigla ngang sumikat ulit si Ice kung mag-aayos babae siya.

May career naman siya bilang singer pero iba pa rin yung may regular TV show siya.

David Licauco, lumabas na bukas ang zipper

May isa kaming kaibigan na nagtsismis sa na totoo naman daw na sa kabuuan, hindi masasabing mala­king hit ang mga ginawang shows ng mga artista ng GMA 7 sa Canada. Maliban daw sa show sa Toronto, dahil may mga venue silang hindi napuno.

Simple lang ang dahilan, iyong mga love team naman na ipinadala nila sa Canada ay hindi pa masyadong kilala roon. Ang mga Pinoy sa Canada, karamihan ay old timers na at natural hindi nila kilala ang mga baguhang artista sa Pilipinas.

Bagama’t mayroon din namang Pinoy TV ang GMA sa abroad, hindi iyon kasing lakas ng TFC na nauna sa kanila ng mas maraming taon. Iyon namang may TFC na, hindi na magpapa­kabit ng Pinoy TV. May panahon pa nga raw na ang Pinoy TV ay nani­ningil ng kalahati lamang kung may TFC ka na para makapantay lang pero hindi rin naman yata naging click iyon.

Siguro kung ang ipinadala ng GMA sa Canada ay mga mas sikat na love teams baka sakali pa.

Mayroon pa nga raw nagtatanong noong makita si Barbie Forteza, “ay iyan ba si Jak Rober­to? Bakit parang iba ang hitsura.” Talagang iba ang hitsura dahil si David Licauco nga iyon. Pero siguro matatandaan na nila si David Licauco dahil sa pagmamadali sa isang number, lumabas siya sa stage na bukas ang kanyang zipper, pero wala namang nakita.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with