^

Pang Movies

South Korean singer-actress, iniimbestigahan pa ang pagkamatay

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
South Korean singer-actress, iniimbestigahan pa ang pagkamatay
Park Bo-ram
STAR/File

As of this writing ay hindi pa nilalabas ng mga police ng South Korea ang resulta ng imbestigasyon sa hindi inaasahang maagang pagkamatay ng 30-year-old singer-actress na si Park Bo-ram na natagpuang nakahandusay sa toilet ng bahay ng kanyang kaibigan kung saan ginanap ang isang private party nung nakaraang Huwebes ng gabi ng April 11, 2024.

Ang bangkay ni Park Bo-ram ay sumailalam ng autopsy last Saturday, April 13.

Bago sumakabilang-buhay si Park Bo-ram ay pinaghahandaan nito ang kanyang 10th anniversary sa entertainment world.

She just turned 30 nung nakaraang March 1. Napapagitnaan siya ng dalawa niyang brothers na mas matanda at bata sa kanya.

Alden, inuunti-unti ang pagpasok sa buhay ni Kathryn?!

Wala pang isang taon ang paghihiwalay ng kinilalang hottest loveteam ng bansa, ang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na naglabas ng joint official statement ng kanilang breakup nung November 2023. Nung isang taon ay masaya pang nag-celebrate si Kathryn ng kanyang 27th birthday kapiling ang dating nobyo pero pagkaraan ng halos limang buwan after their breakup ay mukhang naka-move on na ang Kapamilya star kung saan unti-unti nang pumapasok sa kanyang buhay ang kanyang co-star sa 2019 mega hit movie na Hello, Love, Goodbye na si Alden Richards kung saan unang nagkakilala at nagkalapit ang dalawa.

Destiny nga siguro maituturing ang muling pagkakalapit nila na inaasahang magtatambal muli sa isang pelikula. Pero bago pa man ang kanilang reunion movie ay sunud-sunod na ang appearance ng Kapuso-prized actor sa mahahalagang okasyon sa buhay ng Kapamilya star.

Mukhang espesyal sa actor si Kathryn dahil nakuha nitong hindi siputin ang awards night.

“What you see is what you get,” ito ang sagot ng actor nang siya’y minsang matanong sa estado ng pagkakaibigan nila ngayon ni Kathryn.

Kung sakali mang mauwi sa totohanan ang relasyon nila, walang maipipintas ang ibang tao sa multimedia artist ng GMA dahil established na rin ito bilang singer-actor, celebrity endorser at bilang isang successful entrepreneur. Pinasok na rin nito ang pagdidirek sa bakuran ng Viva Films.

Mukhang very timely ang pagpasok ni Alden sa buhay ni Kathryn dahil pareho silang single ngayon at bagay silang dalawa.

vuukle comment

SOUTH KOREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with