^

Pang Movies

Francine, rumampa sa Asia Star Awards

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Francine, rumampa sa Asia Star Awards
Francine

Everything is coming up roses for 20-year-old Kapamilya young star na si Francine Diaz. Bukod sa sunud-sunod nitong teleserye sa bakuran ng ABS-CBN, naging malaking sorpresa sa kanya ang hindi inaasahang collaboration with Korean singer-actor na si Seon In-guk last January para sa song na My Love na si Seon In-guk din mismo ang nag-compose. Nataon pa ito sa kanyang 20th birthday nung Jan. 27.

Last Tuesday, April 10, ay dumalo si Francine sa Asia Star Entertainment Awards na ginanap sa K-Arena in Yokohama, Japan where she was able to join the red carpet at awards night.

Tumatatag din ang kanilang tambalan ni Seth Fedelin na ex-boyfriend at dating ka-loveteam ng isa pang Kapamilya young star na si Andrea Brillantes.

Thankful si Francine sa Star Magic at sa suporta ng kanyang fans at supporters ng tambalan nila ni Seth.

Dennis, ‘di makalimutan si FPJ!

Personal na inamin sa amin ng actor-comedian, occasional director at dating politician na si Dennis Padilla na hindi umano niya natupad ang pangarap ng kanyang yumaong ama, ang actor-comedian na si Dencio Padilla na siya’y maging isang abogado. Tinapos lamang niya ang kanyang pre-law, ang Political Science sa University of Santo Tomas at siya’y nag-showbiz na.

Ang plano noon ni Dennis ay ipagpapatuloy niya ang pag-aaral ng abogasya kahit nag-aartista na siya, pero hindi na niya ito magawa dahil naging sunud-sunod ang kanyang TV and movie assignments.

Nang sumakabilang-buhay si Dencio Padilla, nauna pa umano ang movie king na si Fernando Poe na dumating sa hospital. Inatasan niya si Dennis na pumili ng kabaong na gusto nito para sa ama na si FPJ ang nagbayad maging ang funeral services.

Si Dencio ang naging paboritong sidekick ni FPJ sa kanyang mga pelikula.

Si FPJ rin ang nagbigay kay Dennis ng break sa pag-aartista at siya’y nagsimula bilang child actor sa pelikulang Totoy Bato na pinagbidahan mismo ni FPJ.

vuukle comment

FRANCINE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with