^

Pang Movies

Michelle, kinikilig na sa lalaki

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Kapag nagkasundo sa kanilang unang date, tiyak na marami ang kikiligin kapag ipinagpatuloy ng young Filipino-German lawyer, Piolo Pascual look-alike at athletic na si Oliver Moeller ang pakikipagkaibigan nito sa 2023 Miss Universe Philippines at Kapuso actress na si Michelle Dee.

Si Oliver ay isa sa tatlong good-looking and professional guys ang pinagpi­lian (nang nakatalikod) ng celebrity searchee na si Michelle sa  EXpecially for You segment ng It’s Showtime sa unang pag-ere ng programa sa GMA nung nakaraang Sabado ng tanghali, April 6.

Bagay ang kanilang height dahil matangkad at athletic ang built ni Oliver na isang young lawyer na nag-aral pa ng kanyang master’s degree sa University of Queensland in Australia at mukhang galing sa isang buena familia.

Artistahin ang features ni Oliver na malaki ang hawig sa Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual.

Si Michelle ay isang self-confessed bisexual pero mukhang kinilig din ito nang makaharap na niya finally si Oliver at bagay sila.

Magsasama sa bagong teleserye!

Although hindi madalas magkita at magkasama sa mga okasyon sina Kathryn Bernardo at Julia Montes, nananatili pa ring close na magkaibigan ang dalawa na nagsimula when they were still kids at kabilang sa dating kiddie gag show na Goin’ Bulilit.  When they were teens, nagsama sila sa remake ng Mara Clara nung 2010 na sinundan ng Way Back Home in 2011.

Pagkatapos nun ay nagkanya-kanya na ng direksyon ang dalawa.

Si Kathryn ay ipinareha kay Daniel Padilla na kanyang naka-loveteam at naging boyfriend sa loob ng 11 taon habang si Julia naman ay nag-solo lamang although matagal na silang napapabalita noon pa man ng kanyang nobyo na si Coco Martin.

Through the years, parehong na-develop ang pagiging mahusay na actress nina Kathryn at Julia sa magkakahiwalay nilang mga proyekto.  Pero nagdesisyon ang ABS-CBN na muling pagsamahin ang dalawa sa isang TV series na may pamagat na Chains of Bitterness kung saan muling magtatagisan ang dalawa pagdating sa husay sa pag-arte.

Buhay ni Imelda naudlot ang pagpapalabas

Dapat sana’y palabas na sa mga sinehan ngayong April 10 ang debut film project ng Queenstar Film Productions ng mag-inang Imelda Papin at Maffi Papin, ang Imelda Papin: The Untold Story na sinulat at pinamahalaan ni Gabby Ramos kung saan si Claudine Barretto ang pangunahing bituin who plays the role of Imelda Papin.

Pero nagdesisyon si Imelda na idaan muna sa iba’t ibang special screenings ang pelikula na kanilang sinimulan sa tatlong sinehan ng SM Megamall, sa Newport World Resorts cinemas, Bicol, Davao and most recently sa Director’s Club Theater 1, 2 & 3 ng SM Mall of Asia (MOA). Marami pang naka-schedule na special block screenings sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas at kasunod na rito ang iba’t ibang bansa which include USA, Hawaii, Japan, Italy, Canda, Hong Kong, at iba pa.

Masaya ang tinaguriang Asia’s Sentimental Songstress, Jukebox Queen, at dating vice-governor ng Camarines Sur na  si Imelda sa magandang feedback na nakuha niya sa mga nakapanood na ng pelikula.

 

vuukle comment

MICHELLE DEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with