^

Pang Movies

KC, nagpakawais sa pagi-invest sa Palawan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
KC, nagpakawais sa pagi-invest sa Palawan
KC Concepcion

Matagal na naming narinig ang kuwento na nakabili si KC Concepcion ng property sa San Vicente, Palawan. Noon nga may nagpapatanong pa sa amin baka raw interesado si Sharon na ibenta iyon, kasi iyong isang kakilala naman namin ang nakabili ng property na katabi noon, tapos sabi nila “ay hindi pala si Sharon ang nakabili noon, si KC raw, akala namin si Sharon eh”

Ang balita noon, medyo hindi pa develop ang property, pero kung titingnan mo raw napakaganda dahil talagang tabing-tabi ng beach, at alam naman ninyo ang mga dagat sa Palawan, malinis at maganda pa.

Bagama’t umuunlad na ang nasabing lugar at dinarayo ng mga turista, napangalagaan naman nila iyon para hindi masira ang kalikasan.

Siguro nga dumating na ang tamang panahon nag-post si KC sa kanyang social media account ng tungkol sa property, may mga kasama siyang tila mga engineer na siyang mamahala sa pagtatayo ng vacation house.

Hindi niya iniisip na gawing resort para pagkakitaan, ang iniiisp niya ay isang lugar kung saan siya mismo makapagbabakasyon at madadala ang kanyang pamilya.

Mahilig din si KC sa tabing dagat, siguro iyon ang kanyang namana sa tatay niyang si Gabby Concepcion na ang una ring ipinatayo ay isang beach house noon sa Batangas na siya niyang napupuntahan kung hindi rin naman siya busy sa Maynila. Madalas din si KC sa bahay ni Gabby sa Batangas at siguro nga iyon ang nagbigay sa kanya ng idea na magkaroon din ng ganoong property.

Nakatutuwa ang mga kuwento ni KC tungkol sa property na iyon, kasi ang nakamulatan niya raw sa kanyang lolo at lola, ang buy and sell ng properties ang siyang negosyo noon ng dating Mayor Pablo Cuneta, namimili siya ng prime properties, pinaga­ganda niya iyon at kung may makagusto ibinebenta rin niya, sinasabing doon nga raw nagkaroon ng malaking kayamanan si mayor.

At ang ganoong paniniwala rin ang nakalakihan ni KC na alam naman nating pet ng kanyang mga lolo at lola.

Inamin niya bilang isang babae gusto rin niya ng magaganda at mamahaling gamit. Gusto rin niyang bumili ng isang Hermes bag na ambisyon din niya noon pa, pero bago nga ang Hermes bag unahin muna nga real estate poperty. Kaya mas pinili raw niya na bilhin ang property sa Palawan kaysa sa gustung-gusto niyang bag na milyun-milyon din ang halaga.

Ngayon mukhang hindi pa rin niya mabibili ang gusto niyang bag dahil sinabi nga niyang patatayuan na niya ng bahay ang kanyang Palawan property. Makakapaghintay nga naman ang bag, pero mas dapat na mauna na ang kanyang property.

Taun-taon ay tumataas ang halaga ng mga properties dito sa atin lalo na at tumataas ang halaga ng pagpapatayo ng bahay.

Kung ngayon ay mga 20 milyon lamang ang isang simpleng bahay, baka mga limang taon mula ngayon ay isandaang milyon na iyan.

Kaya talagang napaka-wise ni KC sa kanyang mga desisyon. Alam niya kung ano ang bibigyan niya ng priority sa kanyang buhay.

Cardinal Tagle, nadiskubre na ang scam sa social media

Nabuksan namin ang isang post kung saan nagbibigay ng kanyang sermon si Cardinal Luis Tagle, at nagtatanong “iyan bang mga sinungaling ay marunong magmahal?” Tapos tinalakay niya ang ginagawang mga kasinungalingan at paninirang puri na nangyayari sa social media. “Ang tatapang bumatikos kasi wala naman doon ang tunay nilang pangalan”

“Talaga bang matapang ang mga iyan? Hindi man lang nila ilagay ang tunay nilang pangalan, hindi nila mapapanagutan ang sinasabi nila, Katapangan ba ang paninira ng reputasyon ng kapwa mo tao,” sabi pa ng Cardinal.

Mabuti naman at nalalaman ng Cardinal iyang mga kalokohang iyan sa social media. Matagal na naming sinasabi iyan, ok lang na pagkakitaan ninyo ang social media pero magkaroon naman kayo ng responsibilidad, hindi tama iyong maninira para lang magkaroon ng controversial content at madagdagan ang viewers ninyo para kumita kayo.

Iba pa rin talaga ang lehitimong media na ang mga tao ay professionals.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with