^

Pang Movies

Umaapela ng tulong... ex-sexy actor Anton Bernardo, na-scam at na-hit-and-run  

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Umaapela ng tulong pinansyal at medikal ang dating Seiko sexy actor na si Anton Bernardo matapos itong ma-scam ng almost P400,000 sa isang online investment at mabundol at ma-hit-and-run ng isang rumaragasang motorsiklo.

Walang-wala ang actor ngayon kaya umaapela ito ng tulong kina Sen. Robin Padilla, Sen. Bong Revilla, Sen. Jinggoy Estrada maging sa Batang Quiapo lead star, co-director at co-producer na si Coco Martin.

Ayon kay Anton, dahil sa kawalan niya ng trabaho at pagkakakitaan, napilitan umanong tumigil sa pag-aaral ang kanyang anak.

Kailangan din siyang madala sa pagamutan sanhi ng mga sugat na kanyang tinamo sa motorsiklong bumangga sa kanya.

Laurence Jain Mendres sa tunay na buhay, si Anton ay nagsimula ng kanyang acting career sa bakuran ng Seiko Films nung 1996 nang gawin niya ang pelikulang Patikim ng Pinya na sinundan ng Kilita nung 1997, Sa Paraiso ni Efren, Anakan Mo Ako, Saranggani in 2020, I Want To Be Happy at Red Diaries in 2001, Basta’t Kasama Kita at Bedtime Stories nung 2002 at iba pa.

Matagal din siyang nawala sa sirkulasyon na minsan ding nakulong dahil sa droga. Nung 2022, muli siyang napanood sa Bolera TV series ni Kylie Padilla under GMA.

Umaasa si Anton na siya’y matutulungan ng kanyang mga kasamahan sa industriya na makabangong muli.

Jericho, ‘di na tuloy ang pagtira sa New York

Is actor Jericho Rosales back in Manila for good? Ito ang katanungan ng marami sa pagiging visible ng actor lately sa ilang showbiz functions sa Pilipinas.

Kamakailan lamang ay nag-bonding ang actor at ang kanyang 23-year-old model and football player son na si Santino (sa dating modelong si Kai Palomares), kaya hindi rin kami magtataka kung muling mapapanood ang actor sa  bagong teleserye at pelikula.

Kung matatandaan pa, Jericho ang his (ex) wife Kim Jones relocated in New York City, USA nung 2022.  Pero as early as 2023 ay may umuugong nang balita na hiwalay na umano sila and this was confirmed in January 2024 ng isang personal friend ng couple.

Mahusay na singer at actor si Jericho at aktibo ito sa kanyang acting career nang magdesisyon sila ng kanyang (dating) misis na mag-relocate sa New York City, USA.

Bearwin, napatawad ang misis na nagloko

Hindi ikinahihiya ng actor-comedian na si Bearwin Meily na sumadsad umano ang kanilang pamumuhay ng kanyang pamilya na naging daan para maibenta nila ang kanilang dream house pati dalawang sasakyan at natutong sumakay ng tricyle pati ang asawa at dalawa nilang anak.

Kesa nga naman na lalo silang mabaon sa utang, nagdesisyon si Bearwin na mangupahan na lamang ng bahay.

Naniniwala ang actor-comedian na ang trials na kanyang pinagdaanan at ng kanyang pamilya ay siyang naging daan para mapalapit sila sa Diyos.

Sa kabila ng matitinding pagsubok (at kasama na rito ang pagloloko dati ng kanyang misis), hindi siya nawalan ng pag-asa.

Nakuha pa rin niyang patawarin ang kanyang wife na si Lara na sobrang pinagsisihan ang kanyang ginawa.

Nang mag-expire ang inuupahan nilang bahay, isang blessing ang duma­ting sa kanyang pamilya ng isang kaibigan ang mag-alok sa kanya ng isang malaking lumang bahay sa Antipolo (which needs repairs) na doon na sila manirahan. Although wala itong hinihinging renta, nagdesisyon siya na upahan niya ito kahit P5,000 a month man lamang.

Pero kailangan niya ng P250,000 for the repair ng bahay na noo’y problema niya kung saan niya kukunin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, tumawag sa kanya si Epy Quizon at inalok siyang maging bahagi ng bagong sitcom sa Net25, ang Quizon CT na sa kalaunan ay pinalipat ng 3-in-1 kung saan tampok sina Maricel Soriano, Eric Quizon, Epy Quizon, Vandolph Quizon, Boy2 Quizon, Vito Quizon at iba pa.

Dahil dito, nabuo ni Bearwin ang P250,000 para ipaayos ang bahay na kanilang tinitirahan ngayon.

vuukle comment

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with