^

Pang Movies

TVJ at TAPE, nagkasundo na ulit

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
TVJ at TAPE, nagkasundo na ulit

Makasaysayang maituturing ang contract signing sa pagitan ng GMA and ABS-CBN top executives nung nakaraang Miyerkules, March 20, na may kinalaman sa alyansa ng dalawang giant TV networks sa pagpapalabas ng long-running at top-rating noontime show ng Kapamilya network, ang It’s Showtime sa GMA simula sa darating na April 6, araw ng Sabado.

Kahit mismo ang ABS-CBN at GMA at ang mga taong nasa harap at likod ng programang It’s Showtime ay hindi rin inaasahan ang maituturing na imposibleng mangyari, ang alyansa na dalawang TV giants at  ‘warring’ TV networks.

Sa rami ng pagsubok na pinagdaanan ng programang pinangu­ngunahan ni Vice Ganda (kasama na rito ang pagkawala ng prangkisa, pandemic, ang pagkawala nila sa TV5 noontime slot, ang 12-day suspension ng MTRCB nung isang taon at iba pa), patuloy ang pamamayagpag ng It’s Showtime dahil na rin sa suporta ng loyal televiewers ng programa.

Ang nakatutuwa pa, muling tumungtong si Ogie Alcasid sa bakuran ng GMA matapos itong umalis sa Kapuso network para lumipat ng TV5 and eventually sa bakuran ng ABS-CBN. Ganundin si Karylle na dati ring Kapuso talent.

Ganundin si Anne Curtis.

Natitiyak naming enggrande ang magiging pilot episode ng It’s Showtime sa GMA on April 6, 2024 at malamang na ito’y paghahandaan din ng Eat Bulaga ng TVJ sa TV5 na balitang lilipat sa dati niyang studio, ang APT Studios sa Marcos Highway, Cainta, Rizal to accommodate more audience.

Hindi rin kami magtataka, Salve A., kung magkakaroon ng panibagong alyansa sa pagitan ng TVJ Productions nina Tito, Vic, & Joey at APT Studios ni Mr. T (Antonio ‘Tony’ Tuviera) sa iba nilang future projects.

Si G. Tuviera ay inalis din bilang President-CEO ng TAPE, Inc. at siya’y pinalitan ni G. Romeo ‘Jon-Jon’ Jalosjos, Jr. sa nasabing posisyon at dito na nagsimula ang ‘gulo’ between the new management at ang tatlong poste ng Eat Bulaga, ang TVJ.

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with