^

Pang Movies

Bea at Julia, nagkaayos na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Bea at Julia, nagkaayos na!
Julia Barretto at Bea Alonzo

Wala sina Gerald Anderson at Daniel Padilla sa party para kay Mr. Johnny Manahan. Mas maganda raw kung present din ang dalawa at baka maging daan ang okasyon para magkabati sina Gerald at Bea Alonzo.

Ikinatuwa ng netizens ang lumabas sa video na nagbatian sina Julia at Bea at may eksena pang nagtawanan ang dalawa. May parang hinila ni Julia si Bea at hindi ma­linaw kung may ibinulong, may ipinakita sa kanyang phone or nag-selfie sila.

Anuman ang nangyari habang nakatalikod sila, masaya ang fans at wish nilang masundan pa ang kanilang pagkikita para mas makapagkuwentuhan pa sila. Kaya tama ang caption sa video na “All is well” at tama rin ang comment ng fan ni Bea na “This is a scene to behold. How nice!!! Maybe it’s about time! After all they moved on already. Time heals all wounds! May pinagsamahan naman sila kahit paano. At least, may magandang balita tau na nakita.”

Isa pang wish ng fans na sana dumalo sa tribute kay Mr. M ay si Daniel at kung present sana siya, ‘yun ang muli nilang pagkikita ni Kathryn Bernardo. Kaya lang, nasa Boracay siya na nakahiligan na yata ang mag-travel sa local man o sa ibang bansa.

Ruru, napa-ily sa mananambal nina Bianca at Nora

Pinost ni Ruru Madrid ang poster ng pelikulang Mananambal na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Nora Aunor. May magandang message si Ruru kay Bianca na sa simula at pagtatapos ng kanyang message ay nag-“I love you” sa girlfriend.

Una nang ibinalita ni Bianca na ang Mananambal ay isa sa mga entry sa Jinseo Arigato International Film Festival to be held in Nagoya, Japan on May 25-26, 2024. “Honored to be given this opportunity and to experience this side by side with our National Artist, the one and the only- Ms. Nora Aunor.”

vuukle comment

GERALD ANDERSON

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with