^

Pang Movies

Movie ni Coco, hindi na sumubok sa sinehan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Movie ni Coco, hindi na sumubok sa sinehan
Coco Martin

May pelikula pala si Coco Martin at Julia Montes na kasaluku­yang napapanood sa isang streaming platform.

Wise decision.

Napapanood na si Coco sa Batang Quiapo gabi-gabi at mahina ang kita sa mga sinehan.

Aminin din naman natin, hindi masasabing isang box office drawer ang tambalan nila ni Julia Montes.

Isa pa ang director ng pelikula ay si Brillante Mendoza na kilala ng mga tao sa paggawa ng mga pelikulang indie, at dahil indie nga hindi kumikita.

Wala pang nagawang naging box office hit si Direk Mendoza. Sa ganyang sitwasyon mahihirapan din silang makakuha ng mga sinehan, dahil bago naman tanggapin ng mga sinehan ang isang pelikula pinag-aaralan muna nila ang commercial viability noon.

Kaya nga siguro para walang problema, sa Internet na lang ipinalabas iyon.

Hindi mo maaasahan ang malaking kita pero may kita rin at hindi mo masasabing lugi talaga dahil kahit na papaano may pumasok.

Pero ngayon ang problema sa Internet streaming apps inilalabas din ang mga pelikulang Ingles at natatabunan pa rin nila ang mga pelikulang Pinoy dahil kahit na pang-Internet lang, mas malaki pa rin ang budget ibig sabihin mas mahusay pa rin ang pagkakagawa dahil may puhunan ang mga pelikulang dayuhan.

Anyway, mabuti naman at nailabas ang pelikula ni Coco, hindi gaya ng ibang artista na ang dami nang natapos na pelikula, nakatambak lamang at hindi maipalabas dahil ayaw tanggapin ng mga sinehan dahil wala ngang makitang commercial viability.

Paresan ni Buboy, kinukumpara kay Diwata

Pinagkukumpara naman ngayon ang dalawang magpa-pares si Buboy Villar na may puwesto ng paresan sa Commonwealth at si Diwata na may paresan sa Pasay City.

Walang dudang talo ang paresan ni Buboy na nasa isang maliit na puesto lamang na may kariton. Iyong paresan ni Diwata ganoon din parang street vendor pero may mga mesa at silya na siya na mauupuan ng mga kumakain at ang haba ng pila ng mga gustong kumain.

Walang ispesyal sa pares ni Diwata, pero napakamura nga. Sa halagang isangdaan puwede ka nang kumain, one to sawa ang kanin one o sawa rin ang sabaw at may softdrinks ka pa.

Puwede ba namang hindi ka pilahan noon.

Sa ngayon hindi na hinahanap ng mga tao ang lasa eh ang mahalaga makakain sila nang mura.

Iyong kay Buboy hindi namin alam ang presyo ng pares nabalita lang naman kasi iyon noong ang isang katulong niya sa nasabing paresan ay pinasali at pinanalo sa isang contest noong nasa kanila pa ang Eat Bulaga.

Booker, lumantad

Ay ano iyan may lumantad na namang “booker” ng mga lalaking starlet at mga sumasali sa mga male beauty pageant.

At diretsahan ang sinasabi ng bading na akala o nagla-live selling sa Internet sinasabi niya kung anong service ang maaaring asahan sa mga lalaking iyon na magagawa raw niyang makipag-date sa client for a fee.

Pero magbubugaw lang siya sa iyo kung magbabayad ka muna ng pagiging VIP member ng kanyang sex video club, na nagkakahalaga ng isang libong piso.

Kung magbabayad ka raw, makikita mo roon ang sex videos ng mga male starlet at male pageant winner, tapos maaari na kayong mag-usap ng booking.

Iyan ay maliwanag na porno at prostitution na nangyayari sa pamamagitan ng Internet.

Bakit hindi masawata ang ganyang masamang gawain?

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with